Mister na iniwan ng misis, emosyonal na nagmakaawa sa asawa

Mister na iniwan ng misis, emosyonal na nagmakaawa sa asawa

- Marami ang naantig sa Facebook post ng isang mister na nagmakaawa sa kanyang asawa

- Kasama ng lalaki ang kanyang mga anak at maging ang mga ito ay hinahanap na umano ang kanilang ina

- Ayon pa sa mister, handa siyang tanggapin ang kanyang asawa anuman ang nagawa nito

- Matapos magviral ang kanyang post, marami sa mga netizens ang nagpaabot ng tulong para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi mapigilang maiyak ng isang mister habang nanawagan sa kanyang asawa na umuwi na sa kanilang bahay at maging ang mga anak nito ay hinahanap siya.

Sa Facebook post ni Joel Javier, ibinahagi niya ang mga litrato ng kanilang mga anak na namumugto ang mga mata. Hinahanap umano nila ang kanilang ina.

Nagmakaawa si Joel sa kanyang asawa na umuwi na at handa umano siyang tanggapin anuman ang nagawa ng kanyang maybahay.

Mister na iniwan ng misis, emosyonal na nagmakaawa sa asawa

Joel Javier/Facebook
Source: Facebook

Marami ang naantig sa post na ito ni Javier. May ilang mga netizens na nagpaabot ng tulong sa mag-aama. May nagbigay ng pagkain at tulong pinansiyal na ipinagpasalamat naman niya.

Dahil walang mapag-iwanan sa mga anak, hindi makapagtrabaho si Joel kaya wala siyang maipambili para sa pagkain ng kanilang mga anak.

"Yan sila, kumain nang walang ulam. Tubig lang ang sabaw nila kasi wala din kami pambili. Masyado kaming mahirap, walang pambili ng ulam, walang pera kahit bigas walang pambili. Wala din akong trabaho dahil sa mga anak ko. Walang mag-aalaga sa kanila. Sana may mga taong may mabubuting puso."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan ni Joel ang mga taong nagpaabot ng tulong sa kanila at kanyang ibinahagi sa Facebook ang mga natanggap na tulong.

Matatandaang isa sa naging pinakapinag-usapan at inabangan ang kwento ni Charlie Lozada na iniwan din ng kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagkausap sila Charlie, ang kanyang asawang si Sheerlyn at ang napapabalitang karelasyon ng kanyang asawa sa programa ni Raffy Tulfo.

Dahil sa pangyayari, tuluyang napauwi sa Pilipinas ang asawa ni Charlie sa tulong na rin ng mga ahensya ng gobyerno.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel