Babaeng nagkasakit at iniwan ng mister, kinupkop muli ng kanyang ama

Babaeng nagkasakit at iniwan ng mister, kinupkop muli ng kanyang ama

- Natulungan ang isang ginang na matapos na magkasakit ay basta na lamang iniwan ng kanyang asawa

- Hindi nagdalawang isip ang kanyang ama na siya ay kupkupin muli mula nang mabalitaang pinabayaan na ang anak ng mister nito

- Pati ang kanyang mga apo ay kanya na ring itinataguyod dahil hindi na makatayo pa ang ina nitong halos buto't balat na rin

- Isang vlogger sa Aklan ang nagpaabot ng tulong sa pamilyang ito na doble pa ang dinaranas na hirap dahil nawalan pa ng trabaho ang ama na bumubuhay sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Babaeng nagkasakit at iniwan ng mister, kinupkop muli ng kanyang ama

Renalyn Jovilano (Screengrab from Pobreng Vlogger video)
Source: UGC

Nakakadurog ng puso ang isang episode ng vlog ni Archie Hilario o mas kilala bilang si Pobreng vlogger ng YouTube.

Nalaman ng KAMI na tinulungan ng vlogger ang pamilya ni Renalyn Jontilano na nagkaroon ng sakit at iniwan pa ng kanyang mister.

Isang netizen ang nagmalasakit na humingi ng tulong para kay Renalyn kaya naman nakarating ito sa atensyon ni Archie.

Pawang ang pagtulong sa mga kababayan nila sa Aklan ang laman ng kanyang mga vlogs kaya naman hindi sila nag-atubiling hanapin ang pamilya ni Renalyn.

Sa pagpunta ng grupo ng "Pobreng Vlogger," hindi na nila naabutan pa si Renalyn na noo'y isinugod na pala ng ama sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nadatnan na lamang nila ang mga anak nito at bahagyang napagkwentohan nila ang tungkol sa buhay ni Renalyn.

Di nagtagal ay nakabalik na rin ang ama ni Renalyn at doon nalaman ng grupo ng vlogger na nasa ospital na nga ang kanilang pakay.

Nalaman din nilang dating construction worker ang ama ni Renalyn na sa kabila ng edad na 67 ay umaasang makakabalik pa sa hanapbuhay.

Isa kasi siya sa mga naapektuhan ang trabaho buhat nang mag-lockdown kaya nabubuhay sila ngayon sa mga panananim nila.

Dahil dito, iniabot na ni Archie ang handog nilang tulong sa pamilya ni Renalyn. Mayroon ding mga tulong pinansyal mula sa mga sponsors ng programa na ibinigay din sa ama ni Renalyn.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Archie Hilario sa Aklan dahil sa pagtulong niya sa mga hirap at naghihikahos niyang kababayan.

Minsan pa nga nilang natulungan ang mag-asawang nakatira lamang sa sira-sirang tent at napatayuan pa nila ito ng munting tahanan.

Makalipas ang ilang buwan, binisita pa rin nila ang mga ito upang masiguro na nasa maayos pa ring kalagayan ang mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel