COVID-19 recoveries sa bansa, mahigit 22,000 ang naitala ngayong araw

COVID-19 recoveries sa bansa, mahigit 22,000 ang naitala ngayong araw

- Umabot sa mahigit 22,000 ang mga naka-recover sa COVID-19 sa bansa ngayong araw

- Dahil dito, 157,403 na ang mga COVID-19 survivors sa bansa

- 56,473 ang active cases na inaasahang mapapasama na rin sa listahan ng mga recoveries

- Ito ang ikatlong pagkakataon na may ganito kalaking bilang ng mga naka-recover ang naitala na nagdulot ng pag-asa sa mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 recoveries, mahigit 22,000 ang naitala ngayong araw

COVID-19 recoveries (Photo from Wallpaperflare)
Source: UGC

Muli na namang mataas ang bilang ng naitalang recoveries ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Agosto 30 kung saan umabot ito sa 22, 319.

Sa huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), may kabuuan nang 157,403 recoveries ang Pilipinas mula sa 217, 396 na tinamaan ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nasa 4,284 naman ang karagdagang kaso ng ngayong araw at kasalukuyan pa rin tayong may 56,473 na active cases.

2,207 ng mga bagong tala ay mula pa rin sa National Capital Region na nananatiling may pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Sinundan ito ng Laguna na may 327 na bagong kaso, Cavite na may 191 new case habang ang Batangas naman ay 161 ang nadagdag at Rizal na may 147 new case.

Nasa 91% naman ng mga ito ay pawang mga mild cases habang ang 6% naman ang mga asymptomatic at may tig-isang porsyento naman ang critical at severe cases.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasamaang palad may 102 pa ring pumanaw dahil sa COVID-19 na naitala ngayong araw at siyang bumuo sa huling bilang nito na 3,520.

Nananatili pa rin sa ika-22 pwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo base sa datos na ibinabahagi ng Worldometers.

Nangunguna pa rin ang USA na mayroong 6,139,466 cases habang 3,846,965 naman ang Brazil na nasa ikalawang pwesto.

Nakalulungkot isipin na mabilis ang pagdami ng kaso sa India na humahabol na ng dami sa Brazil.

Ayon sa ulat ng ABC News, Agosto 29 nang maitala ng India ang pinakamalaking bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang bansa sa loob lamang ng isang araw.

Umabot ito sa 78,761 ang kanilang naitala sa isang araw dahil sa patuloy na pagsasagawa nila ng testing araw-araw at unti-unti na ring pagluwag ng kanilang lockdown.

Sa bansa, ito na ang ikatlong beses na nagtala ng malalaking bilang ng mga naka-recover na nakapagbigay ng pag-asa sa marami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Hulyo, mahigit 38,000 ang naitlang mga naka-recover kung saan nagbigay abiso ang DOH na huwag ikagulat ang numerong ito.

Ikalawang beses naman ay nang umabot sa 40,397 ang naitalang recoveries sa loob lamang din ng isang araw, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Umaasa ang bawat Pilipino na patuloy nang makaka-recover ang mga active cases at hindi na muling dumami pa ang mga nagpopositibo sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel