Ted Failon, mamamaalam na sa ABS-CBN matapos ang 3 dekada

Ted Failon, mamamaalam na sa ABS-CBN matapos ang 3 dekada

- Magpapaalam na ang batikang journalist na si Ted Failon sa ABS-CBN sa katapusan ng buwan ng Agosto

- Nagsilbi siya bilang isa sa haligi ng ABS-CBN News and Current Affairs sa loob ng 30 taon

- Ang pagtigil ng radio broadcast operations ng Kapamilya network ang dahilan ng kanyang desisyon

- Gayunpaman, bukod sa papuri ay pinasalamatan siya ng ABS-CBN dahil sa kanyang mahabang taon ng pagseserbisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang mamamaalam ang batikang broadcast journalist na si Ted Failon sa ABS-CBN na kanyang naging tahanan sa loob ng 3 dekada.

Magkakaroon siya ng final appearance sa programang ‘TV Patrol’ at ‘Failon Ngayon sa TeleRadyo’ ngayong Lunes, August 31, 2020.

Sa inilabas na statement ng ABS-CBN, ang pagtigil umano ng radio broadcast operations ng Kapamilya network ang dahilan ng kanyang desisyon.

“The closure of ABS-CBN’s radio broadcast operations led to his painful decision and we respect it."

Pinasalamatan din ng ABS-CBN si Failon sa mahabang panahon ng kanyang serbisyo bilang isang Kapamilya broadcast journalist.

"We admire Ted’s talent, passion, and commitment to radio as his most effective medium in serving the Filipino people."

Ayon sa isang ulat ng ABS-CBN news, unang naging bahagi ng ABS-CBN si Ted bilang isang DZMM anchor noong 1990.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakasama niya sina Korina Sanchez at Gel Santos-Relos sa programang Hoy Gising. Ang nasabing programa ay tumatalakay sa mga reklamo ng mga mamamayan at naglalayong maaksiyunan ang mga ito at mabigyan ng solusyon.

Ted Failon, mamamaalam na sa ABS-CBN matapos ang 3 dekada

Photo by Mary Grace Catin/Pacific Press/LightRocket via Getty Images
Source: Getty Images

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod kay Ted, kinumpirma din ni Bernadette Sembrano na kabilang siya sa mga nawalan ng trabaho bunsod ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Nauna nang sinabi ni Korina Sanchez ang tungkol sa kanyang pamamaalam sa Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel