Frankie Pangilinan, hindi pinalampas ang mga pangungutya sa kanya

Frankie Pangilinan, hindi pinalampas ang mga pangungutya sa kanya

- Hindi pinalampas ni Frankie Pangilinan ang mga pangungutya ng bashers sa kanya

- Sinagot niya ang mga ito at inalmahan din niya ang pagtawag sa kanyang pangit

- Binati din niya ang kanyang mga bashers matapos niyang sagutin ang mga ito

- Aniya, binigyan niya ng sweldo ang mga ito matapos ang kanilang paplitan ng mga salita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpatinag si Frankie Pangilinan sa mga bashers na tumawag sa kanyang pangit. Isa-isa niyang sinagot ang mga pangungutya sa kanya.

Sinupalpal niya din ang isang troll account na kakagawa lamang umano ngayong buwan.

“Shawie did not call me Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan for some accounts made in August 2020 to call me panget,” ani Frankie sa isang tweet.

Hindi lamang isang basher ang kanyang sinagot kundi pati na rin ang ilan na patuloy na kinukutya ang kanyang itsura.

Hindi siya nagpaapekto at nagsabing sarili lamang niya ang pinapayagan niyang tawagin siyang pangit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Don't worry! Sometimes, I try to believe it and then I look in the mirror and sigh in relief. I don't need validation for what I do. Sometimes I need it personally but it will never go further than that. I love you. Promise me you'll never seek approval from anyone but yourselves. I promise the work that I do will always remain separate (and primarily private). I love you so much," ani Frankie sa kanyang mga tagasuporta.

"Congrats sa trolls na binigyan ko ng sweldo today! Ingat lagi kahit willful destruction ang pinaggagawa ninyo!” aniya sa isang tweet.

Tinutukoy nito ang mga tungkol sa bali-balitang mayroong mga naglipanang bayarang trolls.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Frankie Pangilinan, hindi pinalampas ang mga pangungutya sa kanya

Photo by Enrique Soriano/Bloomberg via Getty Images
Source: Getty Images

Si Frankie Pangilinan ang panganay na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. Nakilala siya dahil sa kanyang prangka at walang takot na pagpapahayag ng kanyang saloobin.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang pagbabahagi ng opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nina Michael Pacquiao at Jason Dhakal. Matatandaang pinuna ni Jason ang pag rap ni Michael at binanggit ang tungkol sa mas malaking oportunidad na napupunta sa mga anak ng kilalang tao.

Maging ang kanyang post tungkol sa pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN ay pinagpiyestahan din ng netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel