Pinay Singer Justine Alfante, itinanghal na grand winner ng The Voice Kids UK 2020

Pinay Singer Justine Alfante, itinanghal na grand winner ng The Voice Kids UK 2020

- Itinanghal na grand winner ang Pinay singer na si Justine Alfante sa The Voice Kids United Kingdom 2020

- Ang kantang 'Listen' ni Beyonce' ang pinambato niya sa finals na mas lalong ikinahanga sa kanya ng mga judges at iba pang taga-subaybay ng naturang patimpalak sa kantahan

- Maging si Justine ay hindi makapaniwala na siya ang nanalo gayung alam niyang magagaling daw ang kanyang mga nakatunggali

- Ang kanyang coach na sobrang proud kay Justine ay nais sana siyang lapitan ngunit inoobserbahan nila ang safety protocols bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay Singer Justine Alfante, itinanghal na grand winner ng The Voice Kids 2020

The Voice Kids (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isa na namang Pinay ang namayagpag sa United Kingdom matapos tanghalin siyang grang winner ng The Voice Kids 2020.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Justine Alfante na walong linggong nakipangtunggali sa mahuhusay na batang mang-aawit ng United Kingdom.

"I'm in so much shock. I didn't, they were all so good and I didn't think I was going to be the one," pahayag ni Justine nang i-anunsyo na siya ang itinanghal na grand winner.

Sa ulat ng GMA News, ang kantang 'Listen' ni Beyonce' ang napiling piyesa ni Justine.

Mapapansing walang bahid ng kaba ang pag-awit ni Justine gayung hindi birong kantahin ang awiting ito.

Super proud din ang kanyang coach sa kanya na si Pixie Lott na hangang-hanga sa husay ni Justine at alam daw nitong pinaghirapan ng bata ang kanyang nakamit na tagumpay ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakasama rin ni Justine ang kanyang Coach Pixie sa entablado nang kantahin nila ang "Don't you worry 'bout a thing' ayon sa Metro UK.

Bukod sa mga judges, malaking bagay din ang virtual public vote na nagpapapanalo sa batang Pinay.

Sa ulat ng The Sun, nabanggit na tatlo ang mga nakatunggali ni Justine sa finals na sina George Elliot, Victoria Alsina at Dara McNicholl.

Ngunit sa kanilang apat, si Justine ang umangat, nanguna at nakasungkit ng unang pwesto. Mag-uuwi siya ng £30,000 o nasa 2 million pesos.

Samantala, nilinaw din ng programa na sumusunod pa rin sila sa safety protocols bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Mapapansing maging sa performances kung saan may mga dancers o grupo ang pag-awit ay mahigpit pa rin nilang sinusunod ang social distancing. Wala ring studio audience sa loob ng walong linggo na ipinalabas ang programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang final performance ni Justine mula sa YouTube ng The Voice Kids UK 2020:

Sa unang pagkakataon sa The Voice Kids Philippines 2020, itinanghal na apat ang grand champion mula sa apat na team. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa singing contest na ito na hindi lang isa ang kanging kampeon.

Minsan ding naglabas ng kanyang saloobin si Lea Salonga ng The Voice PH sa kanyang pagbabalik bilang isa muli sa magiging coach ng paligsahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel