Misis, kinantahan ang pinaniniwalaang asawa niyang nawawala na napadpad sa Leyte

Misis, kinantahan ang pinaniniwalaang asawa niyang nawawala na napadpad sa Leyte

- Muling nagkausap ang isang ginang at ang pinaniniwalaan niyang nawawala niyang mister sa pamamagitan ng video call

- Ayon sa netizen na nagbahagi ng picture, sumabay umano ang lalaki nang kumanta ang ginang nang muli silang magkausap

- Kinanta nito ang paboritong awitin nila ng kanyang nawawalang asawa 10 taon na ang nakalipas

- Unti-unti na umanong nagsasalita at umiimik ang lalaki napadpad sa Southern Leyte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang netizen na si Liza Corporal ay nakumbinsing lalo na asawa nga ni Jennifer “Nenen” Emnace ang lalaking napadpad sa kanilang lugar sa Southern Leyte.

Sa isang ulat ng Aksyon Radyo Iloilo sa panulat ni May Ortega, nasaksihan ni Corporal ang muling pag-uusap nina Nenen at ng lalaking pinaniniwalaang ang nawawalang asawa nito na si Nomer “Nonoy” Emnace.

Napag-alaman ng KAMI na kumanta si Nenen ng paboritong awitin nila ng kanyang asawa na "I Swear" at sumabay umano ang lalaki. “Kinanta ni Nenen, nag-duet sila. Feel na feel niya ang kanta.”

Nag video call din umano ang ina ni Nonoy at nang tanungin ito kahit walang boses ay binigkas umano nito ang "mama" ayon kay Liza.

Misis, kinantahan ang pinaninwalaang asawa niyang nawawala na napadpad sa Leyte

Photo from Liza Corporal/Facebook
Source: Facebook

Bago pa ito, nauna nang nakita ni Nenen ang ilang palatandaang magpapatunay umano sa pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kabilang dito ang bahagi ng kilay sa kanan na hindi umano tinutubuan ng buhok, ang kanyang peklat sa noo at ang bukol sa hinlalaki nito sa paa.

Dagdag pa ni Liza, unti-unting nagsasalita na rin ang lalaki hindi katulad noon na palagi umano itong tulala at hindi makausap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumbinsido umano siyang si Nonoy ang lalaki dahil ito din ang pinakamalapit ang pagkakahawig sa lahat ng ipinadalang litrato sa kanya.

Kasalukuyang inaayos ang pagpunta ni Nenen sa Southern Leyte. Binabalak nilang ipa-DNA test ang lalaki upang makumpirma nang tuluyan kung ito nga si Nomer.

Naiulat din ng Radyo Bandera-Bacolod na apat na taon nang nananatili sa dalampasigan sa Quilat Kimy San Francisco, Southern Ĺeyte ang nasabing lalaki.

Sa kasalukuyan, nakarating na sa programa ng Kapuso mo, Jessica Sojo ang tungkol sa kanilang kwento at nakipag-uganayan na umano ang staff ng nasabing documentary show kay Abelada ayon sa isang ulat ng Hapi Radio DYAG 1125Khz.

Sa kabila ng hirap ng buhay, marami pa rin sa mga Pinoy ang mas pinipiling tumulong lalo na sa mga nangangailangan kagaya na lamang ng mga taong walang tirahan at palaboy sa lansangan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noong August 18 nang mag-viral ang mga larawan ni nurse Lorraine habang tinutulungan ang palaboy na nanganak sa isang gilid ng kalsada. Marami ang humanga rito at mabilis na kumalat sa iba't ibang local news site.

Napag-alaman din na late na pala noon ng isang oras ang nurse sa kanyang trabaho at tila itinadhana na siya ay mapadaan sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel