Dating aktor na si Gov. Daniel Fernando, nagpositibo sa COVID-19

Dating aktor na si Gov. Daniel Fernando, nagpositibo sa COVID-19

- Kinumpirma mismo ng gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando na nagpositibo siya sa COVID-19

- Kusa siyang nagpa-test nang maging close contact siya ng isa sa mga provincial board member na una nang nagkaroon ng virus

- Kasalukuuyang naka-home quarantine ang gobernador na walang anumang nararamdamang sintomas ng sakit

- Dahil dito, hinihikayat niya ang publiko na mas lalong maging maingat dahil sa patuloy pa rin na paglaganap ng virus na walang pinipiling dapuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dating aktor na si Gov. Daniel Fernando, nagpositibo sa COVID-19

Gov. Daniel Fernando (Photo from Provincial Government of Bulacan Facebook)
Source: Facebook

Nagpositibo sa COVID-19 ang gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando.

Inanunsiyo niya ito ngayong Agosto 29 matapos na makuha ang isinagawang reverse-transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test nitong Biyernes, Agosto 28.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, kusang nagpa-test ang dating aktor nang malamang isa siya sa mga close contact ni Board Member Ramil Capistrano na naunang nagpositibo sa virus.

Inanunsiyo rin ito ng board member para na rin sa kaalaman ng kanilang mga nasasakupan lalo na ng mga nakasalamuha nila ayon sa Inquirer.

“Nagkaroon ako ng inisyatibo na magpatest matapos na maging close contact ng nasabing lokal na opisyal."

"Wag nating kalimutan na maging ang mga world leaders at top government officials ay naging infected sa virus, dahil wala itong pinalalagpas at wala itong respeto sa mga indibidwal, maging sino man sila," pahayag ng gobernador na nangakong ipagpapatuloy ang ang kanyang serbisyo kahit siya ay naka-home quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ayon pa sa CNN Philippines, walang anumang sintomas ng virus ang gobernador ng Bulacan kaya magagampanan pa rin ang mga tungkulin sa pamamagitan ng mga video conferencing.

Dahil sa kalagayan ng dalawang opisyales ng Bulacan, agad na pinakilos ng gobernador ang contact tracing team nila upang agad na ma-test at ma-monitor ang kanilang mga nakasalamuha.

Bagaman at inaalala pa rin ni Fernando ang maaring pagkaantala ng ilang mga delivery ng basic services ng kanilang lugar, sisiguraduhin niyang maantabayanan niya ang mga ito sa kahit na siya ay nagpapagaling.

At dahil din sa kanyang sinapit, nagbigay paalala siya sa mga kasama niya sa serbisyo na ibayong pag-iingat ang gawin upang maipagpatuloy pa rin nila ang pagtulong sa mga taong umaasa sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang wala talagang pinipili at walang sini-sino ang COVID-19. Ilan sa mga senador ng ating bansa ay tinamaan kahit noong bagong sibol pa lamang ang mga kaso ng virus sa bansa.

Ang pinakahuli nga ay si Sen. Bong Revilla Jr. na kasalukuyang nagpapahinga pa rin matapos ang kanyang pakikipaglaban sa naturang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel