Melissa Ricks, engaged na sa kanyang boyfriend na si Michael Macatangay

Melissa Ricks, engaged na sa kanyang boyfriend na si Michael Macatangay

- Engaged na ang Filipino-American actress na si Melissa Ricks sa kanyang boyfriend na si Michael Macatangay

- Ayon sa showbiz reporter na si Gretchen Fullido, naganap ang intimate surprise engagement sa Batangas

- Dinaluhan umano ng malalapit na kaibigan at kapamilya nila ang mahalagang araw para sa aktres at sa kasintahan nito

- Si Melissa Ricks ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Engaged na and Filipina- American actress na si Melissa Ricks sa kanyang boyfriend na si Michael Macatangay. Ito ay ayon sa Kapamilya showbiz reporter na si Gretchen Fullido.

Sa Instagram post na ibinahagi ni Gretchen, ibinahagi niyang naganap ang intimate surprise engagement sa Batangas. Dinaluhan umano ito ng kanilang malalapit na kaibigan ay kapamilya.

"My dearest @mellyricks09 & Michael Macatangay are engaged! The intimate surprise engagement happened in Batangas & witnessed by close family and friends. Love you Nini! Finally! Answered prayer! Thank you Lord!" ani Grecthen sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang ilang litrato na kuha sa enggement nina Melissa at ng non-showbiz boyfriend nitong si Michael.

Ayon sa isang ulat ng PUSH noong November 26, 2019, ang non-showbiz guy na si Charles Togezaki ang huling napabalitang karelasyon ng aktres. Ito ang ama ng anak ni Melissa na si Keira na ipinanganak noong January 2015.

Ilan sa mga naibalitang nakarelasyon ni Melissa sa showbiz ay sina Jake Cuenca at Paul Jake Castillo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Melissa Ricks, engaged na sa kanyang boyfriend na si Michael Macatangay

Melissa Ricks (flickr.com/photos/michaelhoward836/14750067546)
Source: UGC

Si Melissa Ricks ay isinilang noong January 9, 1990. Una siyang sumikat matapos niyang sumali sa taleant search ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Ilan sa mga proyektong kanyang nagawa ay “Walang Hanggan” (2012), “Nasaan ka, Elisa?” (2011) at “Kambal sa Uma” (2009).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dati siyang ipinareha kay Matt Evans. Kaya naman marami ang nag-abang sa kanyang opinyon tungkol sa isyung kinasangkutan ng aktor matapos nitong maaresto.

Kamakailan ay muling naging usap-usapan si Melissa matapos niyang ibahagi ang kanyang weight loss journey.

Hindi pinalampas ng aktres ang pamumuna ng isang basher na hindi umano siya pumapayat sa kanyang ginagawang exercise routines.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel