Salute! Estudyante, nanawagan ng tulong para mabilan ng gadget ang BFF

Salute! Estudyante, nanawagan ng tulong para mabilan ng gadget ang BFF

- Isang estudyante ang nananawagan ng tulong sa social media para sa kanyang kamag-aral at matalik na kaibigan

- Nais sana nito na mabilihan ng sariling cellphone ang kaibigan na walang kakayahang makabili nito lalo pa at kailangan nila ito sa distance learning

- Ibinahagi rin ng estudyante ang mga gawa ng kaibigan na halos "perfect" ang mga score at ipinagmalaki ang dedikasyon nito sa pag-aaral

- Marami naman ang humanga sa ginawang ito ng estudyante para matulungan ang isang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang panawagan ng isang estudyante ng Technological University of the Philippines para sa isang kamag-aral at matalik na kaibigan nito.

Sa post ng binatang si John Christian Turla, humingi ito ng tulong sa mga netizens at may mabubuting loob para mabilihan ng gadget ang kaibigang si Adrian Erestain.

Salute! Estudyante, nanawagan ng tulong para mabilan ng gadget ang BFF

Photo from Facebook
Source: Facebook

Kwento ni Turla, sa kabila ng kakulangan ay nagagawa pa ring makaraos ni Erestain sa kanilang pag-aaral.

"Simula po 1st sem wala po syang sariling cellphone /gadget na ginagamit pang eskwela. Ngunit kahit na ganon, nakakagawa sya ng paraan para makapag pasa ng mga requirements sa lahat ng subjects na meron kame. Ang galing diba?

"Pinapahiram namin sya ng cellphone/laptop before kapag kailangan nya ito para sa aming mga asignatura," ayon kay Turla.

Ngunit dahil may pandemya ay hindi na nila mapapahiram ang kamag-aral kaya naman naisip nito na humingi ng tulong para rito.

Dagdag pa ni Turla, ayaw niyang maging hadlang ang pinagdaraanan ng lahat dulot ng coronavirus para mahinto sa pagkamit ng pangarap si Erestain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nangako rin ito na siya ang sasagot sa load ng kaibigan para wala nang isipin pa ito.

"Pinapangako ko po na ang ibibigay nyong tulong ay mapupunta sa mabuting kapalaran nya. Maraming-maraming salamat po sainyo!! GOD BLESS Y'ALL & KEEP SAFE!!!" sabi pa nito.

Ipinagmalaki rin ni Turla ang mga gawa ni Erestain na halos "perfect" daw ang score at ibinahagi pa ang larawan ng ilan sa mga ito.

Marami naman ang humanga at pumuri sa ginawa ng binata para matulungan ang kanyang kaibigan.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng tulong para kay Erestain habang ang marami naman ang nagsabing hangad nila na makatapos ito ng pag-aaral.

Para sa mga nais tumulong, maaari kayong magpadala sa GCASH account na ito:

09556743503 / Shariz Erestain

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwa lamang na maraming Pinoy ang handang tumulong sa kapwa kahit pa nga sa maliit na paraan.

Inspirasyon para sa lahat ang mga istoryang katulad nito lalo pa at dumaraan ang marami sa matinding pagsubok dahil sa novel coronavirus.

Kamakailan lang, napabalita rin ang pagtatapos ng isang parking boy na dinagsa ng tulong matapos mag-viral dahil sa pagsasauli nito ng wallet na napulot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel