Pumanaw na doktor, nakapagbigay pugay pa sa mga kapwa niya frontliners

Pumanaw na doktor, nakapagbigay pugay pa sa mga kapwa niya frontliners

- Nakapag-iwan pa ng isang napakagandang awitin ang pumanaw na doktora na si Dr. Karen Senen sa mga kapwa niya frontliners

- Si Doc Karen ay sumakabilang buhay noong nakaraang linggo matapos na dalawang beses makipaglaban sa COVID-19

- Naka-recover siya sa unang pagkakataon subalit naging kritikal ang kanyang lagay nang magpositibo siya sa virus sa ikalawang pagkakataon

- Kilala rin ang doktora sa husay nito sa pag-awit kaya naman ang kanyang bersyon ng "the Warrior is a Child" ang magsisilbing alaala niya sa laban ng bawat frontliners na tulad niya sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na doktor, nakapagbigay pugay pa sa mga kapwa niya frontliners

Doc Karen (Sreengrab from Kathlynne Anne Abat-Senen Facebook)
Source: Facebook

Noong nakaraang linggo, sumakabilang buhay na si Dr. Kathlynne Anne Senen, ang doktorang dalawang beses na nakipaglaban sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na bago pa ito tamaan ng virus na naging sanhi ng kanyang pagpanaw, nakapag-iwan pa ito ng kanyang pagbibigay pugay sa mga kapwa niya frontliners.

Napakaganda ng kanyang bersyon ng kantang "The warrior is a Child" na orihinal na kinanta ni Gary Valenciano.

Akmang-akma ang awitin sa pinagdaraanan ng mga medical frontliners na buwis buhay na nakikipagsapalaran makatulong lamang sa mga pasyenteng nagpositibo sa virus.

Hulyo 3 nang masayang naka-recover si "Doc Karen" at napakanta pa ito sa kanyang video na kinunan bago siya ma-discharge noon sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit sa panayam ng 24 Oras sa kapatid nitong si Job Abat, laking gulat daw nila nang ilang araw pa lamang mula nang lumabas sa ospital ang doktora ay tila bumalik na naman ang mga sintomas nito.

Nang ibalik muli siya sa Philippine General Hospital, kung saan siya naglilingkod at nalagak noong una siyang tamaan ng virus, muli pala siyang nag-positibo sa COVID-19.

Sa panayam naman ng Dobol B radyo kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, tila karugtong lamang ng impeksyon ng COVID na inakalang napagtagumpayan na ng doktora.

Mas naging kritikal ang lagay nito sa ikalawang laban niya sa virus na tinatayang tumagal sa mahigit na isang buwan.

Isa ang batikang doktor ng bansa na si Dr. Tony Leachon sa mga unang nagpahayag ng simpatya at pakikiramay sa pagpanaw ni Doc Karen sa pamamgitan ng kanyang Facebook post.

Narito ang video mula kay Dr. Kathlynne Anne Senen na ibinahagi rin ng GMA Pinoy TV:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa husay niya sa kanyang propesyon, kahanga-hanga rin ang talento ng yumaong doktor sa musika at sining.

Ilan lamang daw ito sa mami-miss ng kanyang mister na si Dr. Jerome Senen sa kanyang misis na kanya raw patuloy na mamahalin kahit wala na ito sa kanyang tabi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel