Ericka Villongco, itinangging ginagaya niya ang social media post ni Nadine Lustre

Ericka Villongco, itinangging ginagaya niya ang social media post ni Nadine Lustre

- Nilinaw ni Ericka Villonco ang tungkol sa isang Instagram photo na kanyang ibinahagi kamakailan

- Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na magkaparehas sila ng post ni Nadine Lustre

- Paglilinaw ni Ericka, nakita niya lamang ang nasabing picture sa Instagram ng isang Instagram user

- Gayunpaman, inihingi niya ng dispensa ang kanyang nagawa at umaming nagkamali siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan na naman ang isang post ni Ericka Villongco kamakailan. Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na kaparehas sa Instagram post ni Nadine Lustre noong May 2019 ang kanyang picture na ibinahagi kamakailan.

Sa kanyang Instagram Story, pinaliwanag ni Ericka na nakita lamang niya ang nasabing picture sa isang Instagram user.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado siya sa kanyang pagkakamali at inihingi niya ito ng dispensa. Aniya, ibinahagi niya ang nasabing picture nang hindi inalam ang tungkol sa source nito. Matapos makatanggap ng mga hate messages, hindi nagpatinag si Ericka at inako ang kanyang pagkakamali.

Sa kasalukuyan, burado ang nasabing post ngunit may ilang mga netizens na nakakuha ng screenshot ng nasabing post.

Si Ericka Villongco ay unang nakilala matapos sumikat ang mga awitin nila ng kapatid niyang si Krissy Villongco. Kilala sila sa tawag na Krissy & Ericka at ilan sa awiting kanilang pinasikat ay 12:51, Up up, Down down at marami pang iba. Dati siyang kasintahan ni James Reid na kalaunan ay naging karelasyon naman ni Nadine.

Magkaparehas na post nina Nadine Lustre at Ericka Villongco, usap-usapan sa social media

Photo by Kristian Dowling/Getty Images
Source: Getty Images

Matatandaang naging usap-usapan ang pagsasapubliko nina James at Nadine ng kanilang paghihiwalay nitong taon. Gayunpaman, palagi pa ring namamataan ang dalawa na magkasama at lumabas ang usap-usapang nagkabalikan na sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan lang ay nakita silang magkasama sa pagdiriwang ng kaarawan ng ina ni James. Ibinahagi ng ina ng aktor sa kanyang social media post na nakatanggap siya ng cake at bulaklak mula sa dalawa.

Naging usap-usapan din ang kanilang interview sa unang pagkakataon matapos ang kanilang pagsasapubliko ng kanilang paghihiwalay.

POPULAR: Read more about James Reid at Nadine Lustre here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel