PhilHealth member, nagulat nang malamang 4 na taon na siyang patay sa records ng ahensya

PhilHealth member, nagulat nang malamang 4 na taon na siyang patay sa records ng ahensya

- Laking gulat ng isang miyembro ng PhilHealth nang malamang 'deceased' na siya sa records ng ahensya

- Nalamang lang niya ito nang samahan niya ang kasambahay para magpa-laboratory

- Ayon pa sa records ng PhilHealth, Nasa apat na taon na raw siyang patay kaya naman aminado itong nanlamig nang malaman ito

- Humingi naman ng paumanhin ang Philhealth sa error na ito na baka namali lang daw ang 'tagging' o pag-input ng data sa kanilang system

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

PhilHealth member, nagulat nang malamang 4 na taon na siyang patay sa records ng korporasyon

PhilHealth (Photo from Twitter)
Source: Twitter

Nanlumo ang isang enior citizen nang kanyang mapag-alaman na 'deceased' o pumanaw na siya ayon sa records ng PhilHealth.

Nalaman KAMI Na sinamahan lamang ng employer na si Efren Aguilar ang kanyang kasambahay sa ospital para magpa-laboratory test noong Agosto 21 at doon niya nalaman ang kayang pagkamatay.

Kwento ni Efren sa ulatng GMA News, siya ang nagsulat ng ilang detalyeng kailangan sa form ng kanyang pasyente at isa na rito ang kanyang PhilHealth number.

Doon ipinagbigay alam sa kanya ng empleyado ng ospital na 'patay' na siya sa records ng ahensya noong Setyembre 15, 2016.

Actually, nanlamig ako no’ng sinabing ‘Patay na kayo e’. Wala akong nasabing words siguro no’ng mga first few minutes noong pagkabigay sa ‘kin no’ng papel,” ayon kay Aguilar sa ulat ng Remate.

Malaking bagay na rin daw na nalaman niya ang pangyayaring ito lalo na at sa kanyang edad, anumang oras ay maari niyang kailanganin ang naturang health insurance.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit pangamba ni Efren, ilan pa kaya silang miyembro ng PhilHealth na ganito ang sinapit sa records ng ahensya.

Dahil dito, binalak niyang sadyain ang korporasyon upang ipaayos ang kanyang datos.

Agad namang tumugon ang PhilHealth sa isyu at agad na humingi ng paumanhin sa miyembro.

Ayon sa ulat ng Dwiz882am, aminado ang ahensya na maaring nagkaroon ng problema sa tagging o pagpasok ng date sa kanilang system kaya nangyari ito.

Nangako rin silang aayusin ang naturang pagkakamali agad agad itong sosolusyunan.

Narito ang kabuuan video mula sa YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang PhilHealth sa mga inaasahan ng mga Pilipino lalo na sa tulong pinansyal kung nagkakasakit.

Kaya naman ang ilan, kahit na may pandemya at nakararanas ng krisis dahil sa COVID-19, nagsusumikap na magbayad ng buwanan hulog upang balang araw ay mapakinabangan.

Sa kabila ng mga kinahaharap ngayong kontrobersya ng ahensya, marami pa ring ang umaasang maaayos ito at.magpapatuloy sa serbisyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel