Kuya Wil, napagkamalang estudyente ng tinawagan niyang online teacher

Kuya Wil, napagkamalang estudyente ng tinawagan niyang online teacher

- Napagkamalang estudante si Willie Revillame ng kanyang tinawagang contestant

- Panay ang salita ng ingles ni Willie na maayos namang sinasagot ng contestant

- Ngunit nang nagbiro na ang host, inakala ng kanyang tinawagan na niloloko lamang siya nito

- Nang tumawag muli si Willie, nalaman niyang online teacher pala ang kanyang natawagan at dahil sa panay ang ingles ni Willie, inakala niya isa lamang ito sa kanyang mga estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kuya Wil, napagkamalang estudyente ng tinawagan niyang online teacher

Willie Revillame (Photo from Instagram)
Source: Facebook

Isa na namang nakakatuwang insidente ang naganap sa isa sa mga segment ng programang Wowowin.

Nalaman ng KAMI na napagkamalang estudyante ang host na si Willie Revillame ng kanyang tinawagan para manalo ng premyo mula sa Luxxe White.

Bungad pa lang ng host, panay na kasi ang salita nito ng ingles. Ang kanyang tinawagang contestant ay maayos namang sumasagot at sa wikiang Ingles din.

Labis nga lang nagtataka ang constestant kung saan daw nakuha ni Willie ang kanyang numero.

Mas lalo rin itong nahiwagaan nang masabi ni 'Kuya Wil' ang kanyang pangalan at lokasyon.

"Is this a prank?" tanong ng babaeng tila nakakaramdam na ng kakaiba sa caller na hindi niya nabosesan na si Willie pala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang nang nagbiro na ang host, bigla nang tinapos ng contestant ang tawag.

Dahil dito, nagtext na lamang si Willie at nagpakilala.

Muling sinagot ng contestant ang tawag ng host at pinaliwanag na inakala niyang isa si Willie sa kanyang mga estudyante.

Pinaliwanag niyang isa siyang online english teacher kaya panay din ang sagot niya kay 'Kuya Wil' nang tinatanong siya nito sa wikang ingles.

Narito ang kabuuan ng nakakatuwang video:

Kamakailan ay ipinakita ni Willie Revillame ang sample ng 1000 android tablet sa mga mapipiling estudyante na mapapagkalooban nito.

Marami na rin kasi ang mga dumulog o maging mga contestant mismo ng programa na ang hinihiling ay ang gadget na maaring magamit ng kanilang anak sa online class.

Bago pa ang pamamahagi ng biyaya sa mga estudyante, nagbahagi rin si Willie ng P5 million pesos para sa mga jeepney driver na ilang buwan nang walang kinikita at walang maipakain sa kani-kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Willie Revillame di lamang sa pagiging host ng kanyang patok na programa na Wowowin kundi pati narin sa pagiging matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng pandemya.

Isa rin siya sa mga tinaguriang "richest men in showbiz" sa Pilipinas kaya hindi kataka-takang ibinabahagi niya ang kanyang biyaya sa kapwa Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel