Manny Pacquiao, ibinahagi ang CCTV footage ng panloloob sa kanyang bahay sa Los Angeles

Manny Pacquiao, ibinahagi ang CCTV footage ng panloloob sa kanyang bahay sa Los Angeles

- Ibinahagi ni Senator Manny Pacquiao ang CCTV footage na kuha sa kanyang bahay sa Los Angeles

- Makikita sa nasabing video ang panloloob na naganap sa kanyang bahay noong January 2019

- Limang kalalakihan ang umakyat sa bakod at tumangay sa ilang mga kagamitan na kanilang nakuha sa loob ng bahay

- Matatandaang naganap ang panloloob sa bahay ng Pambansang Kamao noong siya ay nakikipagbakbakan kay Adrien Broner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Senator Manny Paquiao kamakailan ang CCTV footage na kuha sa kanyang bahay sa Los Angeles. Makikita sa nasabing video kung paano pinasok ng limang kalalakihan na nakasuot ng hoodies ang kanyang bahay.

Matatandaang naganap ang nasabing panloloob noong siya ay nakikipagbakbakan kay Adrien Broner noong January 2019.

Manny Pacquiao, ibinahagi ang CCTV footage ng panloloob sa kanyang bahay sa Los Angeles

Photo by Ethan Miller/Getty Images
Source: Getty Images

Sa video na tatlong minuto mahigit na ibinahagi ng YouTube channel na Team Pacquiao, makikita din ang ilan sa mga bagay na kanilang nakuha kabilang na ang isang gitara, isang vault at marami pang iba na hindi masyadong nakita sa video.

Ibinahagi din ni Senator Pacquiao ang nasabing video sa kanyang Twitter account.

Ipinakita din ang kalagayan ng loob ng bahay matapos ang panloloob. Bukod sa nagkalat at nagulo ang mga kagamitan, nakaligtaan din ng mga lalaking isara ang pinto ng bahay ni Pacquiao kaya agad na napansin ng pulis na nagpatrolya ang nakatiwangwang na pinto.

Nauna nang sinabi ni Bobby Pacquiao, kapatid ni Senator Manny, na dati na ring nilooban ang kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagganap ang bakbakang Pacquiao-Broner noong January 19, 2019 kung saan nanalo si Pacquiao via unanimous decision.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang ngunit dahil sa kanyang husay sa larangan ng boksing ay nakilala siya sa buong mundo at ngayon ay mayroon nang maalwan na buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal siya kay Jinkee Pacquiao at sila ay nabiyayaan ng limang anak. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Naging usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang panganay na anak ni Manny na si Michael Pacquiao matapos mag-trending ang kanyang rap performance sa isang radio station.

Maging ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay humanga sa talento ng anak ni Sen. Manny.

POPULAR: Read more about Manny Pacquiao here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel