Sarah Balabagan, nilinaw ang naging pahayag tungkol kay Arnold Clavio

Sarah Balabagan, nilinaw ang naging pahayag tungkol kay Arnold Clavio

- Mas lumalim pa ang nahalungkat sa isyu sa pagitan nina Sarah Balabagan at Arnold Clavio

- Sa isang eksklusibong panayam kay Balabagan ni Ben Tulfo, muling nagbahagi si Balabagan ng tungkol sa kanilang nakaraan ni Clavio

- Itinanggi naman ng kontrobersyal na dating OFW na may kinalaman sa politika ang kanyang pagsisiwalat ng katotohanan

- Hinamon din nito si Clavio na aminin na ang ginawa nito noon at ang tungkol sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila mas lumalalim pa ang isyu sa pagitan nina Sarah Balabagan at Arnold Clavio matapos ang pag-amin ng una tungkol sa naging relasyon nilang dalawa.

Sa isang eksklusibong panayam ni Ben Tulfo kay Balabagan, may mga nilinaw ang kontrobersyal na dating OFW ukol sa naging pahayag niya sa kanyang Facebook Live.

Sarah Balabagan, may bagong rebelasyon sa isyu nila ni Arnold Clavio

Photo from Facebook
Source: Facebook

Nilinaw nito na walang kinalaman sa politika ang kanyang pagsisiwalat sa katotohanan sa naging relasyon sa Kapuso broadcast journalist.

Inamin nito na may mga politikong lumapit sa kanya noon para ibunyag ang katotohanan at ireklamo si Calvio ngunit hindi niya ito pinahintulutan dahil ayaw daw nitong magamit sa politika.

Alam din daw ni Balabagan na may mga bumabatikos sa kanyang paglalahad matapos ang 22-taon pero anito, ngayon lang ito nagkaroon ng pagkakataon matapos muling lumabas ang video tungkol sa isyu nila noon.

Sinabi nito wala siyang masamang intensyon at wala ring sinabing laban kay Clavio. Hindi na rin daw nito inungkat pa kung paano siya minanipula ng lalaki noon.

"Kung napanood niyo po 'yung video, wala naman po akong sinabing against sa kanya. What more kung kinuwento ko kung paano niya ako minanipulate di'ba? Baka lalong masuka 'yung mga tao na makakaalam o makakapanood," anito.

Ayon pa kay Balabagan, walang direktang komunikasyon ang anak nila kay Clavio at lahat ng kailangan nito ay ipinadaraan pa nila sa ina o kapatid ng broadcaster.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Wala silang direct communication kay Arnold dahil ayaw ibigay ni Arnold 'yung number niya. Pero kapag may mga request, 'yun kailangan dumaan kami sa nanay niya o 'di kaya ay sa kapatid niya at sila 'yung nagre-relay kay Arnold," sabi ni Balabagan.

Ganito rin daw ang sistema kapag gusto ng anak nila na makita ang ama.

Isiniwalat din ni Balabagan na ayaw ng anak nila na lumabas siya at ilantad ang katotohanan.

"Ayaw po niya na lumabas ako dahil po, alam niyo sir noong nagkikita si Arnold tsaka si Ara sinabihan siya [Ara] ni Arnold na "ang mama mo kapag nagsabi sa public ang mama mo makukulong ako". So ngayon 'yung anak ko nasa kanya 'yun simpatya kaya ayaw ng anak ko na magsalita ako," anito.

"Alam ko na si Arnold natutuwa siya na nandito na kami sa Amerika kasi para feeling niya free na siya," dagdag pa nito.

Nararamdaman din daw ni Balabagan ang lungkot ng anak dahil bihira lamang na makita nito ang ama.

Sa kabila nito, sinabi nito na wala itong sama ng loob sa ama ng kanyang panganay na anak. Ang nais lang daw nito ay masabi ang katotohanan.

Gusto rin daw nito na aminin ni Arnold ang kanyang ginawa noon at ang tungkol sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mainit na isyu sa bansa ang pag-amin ni Sarah Balabagan sa isang Facebook Live tungkol sa naging relasyon nito at pagkakaroon ng anak kay Arnold Clavio.

Dahil dito, nag-trending ang batikang broadcaster at host sa social media.

Hindi naman naiwasan ni Pastor Apollo Quiboloy na buweltahan si Clavio matapos daw siyang gawing katatawanan nito noon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel