Chuckie Dreyfus, bumwelta sa paratang na pinagkakitaan niya raw ang pagpanaw ni Isabel Granada

Chuckie Dreyfus, bumwelta sa paratang na pinagkakitaan niya raw ang pagpanaw ni Isabel Granada

- Bumwelta si Chuckie Dreyfus sa mga taong hanggang ngayon ay sinisiraan umano ang pagkatao niya

- Ito nga ay matapos maungkat ang isyung pinagkaperahan niya umano ang pagkamatay ng dating ka-love team niya na si Isabel Granada

- Aniya, hindi alam ng mga tao ang pinagdaanan niya noong pumanaw si Isabel

- Nagpatunay din ang ina at asawa ng yumaong aktres sa kabaitan ni Chuckie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang aktor na si Chuckie Dreyfus ukol sa mga paratang na pinagkaperahan niya umano ang pagkamatay ng dating ka-love team niya na si Isabel Granada.

Nalaman ng KAMI na aminado si Chuckie sa hirap nang pinagdaanan niya noong namatay si Isabel.

Chuckie Dreyfus, bumwelta sa paratang na pinagkakitaan niya raw ang pagpanaw ni Isabel Granada

Photo from the Facebook page of Chuckie Dreyfus
Source: Instagram

Ayon sa Facebook post ni Chuckie, may mga taong patuloy pa ring sinisiraan siya kahit ilang taon nang pumanaw ang dating aktres.

“Sa lahat ng bashers na patuloy na sinisiraan ang pangalan ko at sinasabi na pinagperahan ko ang pagkamatay, burol at cremation ni Isabel Granada, NARITO PO ANG MGA SINABI NGAYON LANG NI MOMMY GUAPA AT ASAWA NI ISABEL NA SI ARNEL,” sabi niya.

“Sana po tumahimik na lahat ng nananakit at naninira ng pagkatao ko,” dagdag pa nito.

Aniya, hindi alam ng mga tao ang pinagdaanan niya noong pumanaw ang dating ka-love team niya. Bukod pa rito, hindi rin umano alam ng mga tao ang totoong nangyari noon.

“HINDI NINYO ALAM ANG DINAAAN KONG HIRAP AT SAKIT SA PAGKAMATAY NI ISABEL,” sabi ni Chuckie.

“WALA KAYO SA LUGAR NA PINANGYARIHAN AT MAS LALONG HINDI NINYO AKO KILALA NG PERSONAL PARA MAGSALITA KAYO NG GANYAN,” giit pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Chuckie Dreyfus ay isang beteranong aktor. Dati niyang ka-love team at kasamahan sa That’s Entertainment si Isabel Granada na pumanaw noong November 4, 2017.

Kamakailan nga ay nadawit si Chuckie sa isyu ni John Regala matapos sabihin nitong wala umano siyang natanggap mula sa donasyon na pinangunahan ng grupo nila Chuckie, Aster Amoyo, at Nadia Montenegro.

Samantala, bumwelta rin si Chuckie sa isang netizen matapos nitong magkomento sa issue nila ni Regala.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel