Live-in partners na nakatira sa sirang kotse, nabiyayaan ng bahay at pangkabuhayan

Live-in partners na nakatira sa sirang kotse, nabiyayaan ng bahay at pangkabuhayan

- Nakarating sa programa ni Raffy Tulfo ang kalagayan ng maglive-in partner na nakatira lamang sa sirang kotse

- Napaalis umano sila sa kanilang tinitirhang bahay dahil wala na silang maibayad

- Pamumulot na lamang ng basura ang kanilang ikinabubuhay ngunit inaabot pa rin sila ng gutom

- Nabiyayaan sila ng progama ni Tulfo ng mauupahang bahay at pangkabuhayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Live-in partners na nakatira sa kotse, nabiyayaan ng bahay ay pangkabuhayan

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Natulungan ng programa ni Raffy Tulfo ang maglive-in partner na nakatira lamang sa kotse.

Ito ay matapos na mag-viral ang larawan nila na ibinahagi ng nagmalasakit na netizen.

Nalaman ng KAMI na pinalayas na ang maglive-in partners na sian Ramil Manyanita at Christina dela Cruz sa dati nilang tirahan dahil wala na silang maibayad doon.

Dahil dito, napilitan silang manirahan sa sirang kotse kasama ang kanilang apat na alagang aso.

Pamumulot ng basura o pangangalakal ang ikinabubuhay nila ngunit di pa rin ito sasapat at aminadong kumakalam pa rin ang kanilang sikmura sa araw-araw.

Nakapanayam mismo ni Tulfo ang dalawa at sinabing hahanapan niya ito ng mauupahang bahay upang may maayos na silang masilungan.

Babayaran na rin niya ang upa nito sa loob ng anim na buwan.

Bukod pa rito, magbibigay din si Tulfo ng pangkabuhayan ng dalawa upang may maayos na silang pagkakitaan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa rin daw kasi sa nakaantig kay Tulfo ay ang mga asong alaga din ng dalawa.

Bilang animal-lover din daw ang host, naawa rin ito sa kalagayan ng mga hayop.

Hindi maiwasang maging emosyonal ng dalawa ng habang isinasalaysay ang hirap ng kanilang buhay lalo pa ngayong may pandemya.

Sa kabila nito, tinitiis nila ang hirap huwag lamang daw gumawa ng masama na maari pang ikapahamak nila.

Kaya naman nang makarating na sila sa kanilang tirahan, hindi talaga mapigilang maluha nang dalawa. Kumpleto na halos ito sa mga kagamitan sa bahay at may maayos na silang higaan, 'di tulad ng kalagayan nila sa abandonadong kotse.

Hindi pa rito nagtatapos ang surpresa ng kanilang Idol Raffy. Binigyan pa sila nito ang food cart na magsisilbing hanapbuhay ng dalawa.

Labis-labis ang kanilang pasasalamat sa kanilang Idol Raffy na nabigyan daw sila ng panibagong pagkakataon upang mabuhay muli ng maayos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Kilala si Raffy Tulfo sa di matatawaran niyang pagtulong sa mga taong walang ibang mapagsumbungan o matakbuhan.

Maging sa ibang nagagawa pa ring mamahagi ng biyaya ni Tulfo sa kababayan man natin o maging ibang nasyunalidad.

Kahit pa sikat na artista o prominenteng tao, nabibigyang solusyon niya ang mga reklamo sa maayos na proseso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel