Quiboloy, hiniritan si Arnold Clavio ukol sa Sarah Balabagan issue

Quiboloy, hiniritan si Arnold Clavio ukol sa Sarah Balabagan issue

- Hindi naiwasan ni Pastor Apollo Quiboloy na humirit tungkol sa isyung kinakaharap ni Arnold Clavio ngayon

- Matatandaang naging kontrobersyal ang Kapuso broadcaster matapos isiwalat ni Sarah Balabagan na ito ang ama ng kanyang panganay na anak

- Ayon kay Quiboloy, ginawa umano siyang katatawanan ni Clavio noon

- Kinundena din nito ang pambabatikos ng mamamahayag sa administrasyong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naiwasan ni Pastor Apollo Quiboloy na bumuwelta sa Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio at humirit ukol sa isyung kinakaharap nito ngayon.

Sa programa nito na Sonshine Radio, pinatutsadahan ni Quiboloy si Clavio.

Quiboloy, hiniritan si Arnold Clavio ukol sa Sarah Balabagan issue

Photo from Instagram
Source: Instagram

Matatandaang naging kontrobersyal si Clavio matapos isiwalat ni Sarah Balabagan na ito ang ama ng kanyang panganay na anak matapos ang mahigit dalawang dekada.

Ayon pa kay Quiboloy, ginawa siyang katatawanan ni Clavio noon.

Kinundena din nito ang pambabatikos ng mamamahayag sa administrasyong Duterte.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Harapin mo yung sinabi ni Sarah Balabagan. Harapin mo kung tunay mong anak 'yun. Ipakilala mo... na ito anak ko kay Sarah Balabagan. Mayroon ka pa lang sikreto rin eh na mas matindi pa. Tapos binabatikos mo pa 'yung Pangulo na Duterte imbes na tumulong ka," anito.

"Tapos ginagawa mo kong katatawanan. Tignan mo 'yung mukha ko. Ito ba ay mukhang katatawanan? Itabi mo 'yung mukha mo sa'kin, sino ang mukhang puppet sa atin?

"Ako hindi naka-BMW. Wala akong BMW. Ikaw alam ko naka-BMW ka. Oo, naka-BMW ka. Hindi BMW ang ibig kong sabihin, 'Buhok Mo Wig'," patutsada pa ni Quiboloy.

Samantala, sa isang panayam kay Balabagan, isang matinding hamon ang inihayag nito para kay Clavio.

Anito, dapat daw na magpakalalaki na ito at aminin ang ginawa nito sa kanya noon. Nais din daw nito na harapin ni Clavio ang pagiging ama sa kanilang 21-anyos na anak na si Ara.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mainit na isyu sa bansa ang pag-amin ni Sarah Balabagan sa isang Facebook Live tungkol sa naging relasyon nito at pagkakaroon ng anak kay Arnold Clavio.

Dahil dito, nag-trending ang batikang broadcaster at host sa social media.

Hinamon din ni Erwin Tulfo si Clavio na magsalita na ukol sa isyu na hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel