Anak, ibinahagi kung paano ang huling P10 nila ng ina ay napalitan ng di inaasahang biyaya

Anak, ibinahagi kung paano ang huling P10 nila ng ina ay napalitan ng di inaasahang biyaya

- Viral ang post ng isang anak na nagawang maisalba ang kumakalam nilang sikmura dahil sa kanyang huling sampung piso

- Marami ang na-inspire sa kwentong ito lalo na at marami ang nakararanas ng tulad nito dahil sa krisis ng COVID-19

- Hindi napigilang maluha ng anak dahil hindi inaasahang mga biyaya lalo na sa panahong kapos na kapos na talaga silang mag-ina

- Dahil dito, mas naging matatag umano siya sa pagharap ng anumang pagsubok ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, ibinahagi kung paano ang huling P10 nila ng ina ay napalitan ng di inaasahang biyaya

10 peso coin (Photo from Wikimedia)
Source: UGC

Marami ang na-inspire at napaluha sa kwento ni Joan Soliman na ibinahagi tin sa Facebook page ni Kuya Jonathan.

Nalaman ng KAMI na patungkol ito sa hindi inaasahang biyaya na natanggap ni Joan at kanyang ina na aminadong gipit na gipit na dala ng krisis ng COVID-19.

Huling sampung piso na raw ni Joan ang kanyang hawak nang sila ay dumalo sa church service kasama ang ina.

Mas pinili niyang hindi na mag-almusal upang maibili ang huling pera ng pananghalian at hapunan.

Naikwento rin niyang kailanman ay hindi siya pumapalya sa pagbibigay ng offering sa simbahan kaya tila nagdalawang isip siya kung ibibigay ba ang huling pera.

Ngunit dala ng tindi ng kanyang pananampalataya na sinang-ayunan din naman ng kanyang ina, pinili pa rin niyang ihulog ang natitira niyang pera na may kalakip na dalangin.

Pagkatapos ng kanilang church service, inalok sila ng kanilang pastor para kumain ng merienda at pananghalian.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Doon pa lang naramdaman na ni Joan ang biyaya na sila'y makakain sa araw na iyon.

At hindi lamang ito ang kanilang natamasa sa araw na iyon. Nagkataong dumating galing ibang bansa ang matalik na kaibigan ng kanyang ina.

May padala itong mga pagkain tulad ng imported na de lata at tsokolate at iba pang pagkain.

Ang ikinagulat pa nila ay nang bigyan din sila nito ng P5,000 bilang regalo sa kanyang ina para mabili ang gusto.

Dahil sa nangyari, napaluha habang nagdarasal at nagpapasalamat si Joan sa dagsa ng biyaya sa kanilang mag-ina.

Dahil sa pangyayaring ito, tila naging mas matatag na siya sa lahat ng pagsubok lalo na ngayong humaharap tayo sa pandemya.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayon na labis ang pahirap na dala ng COVID-19 sa bawat isa sa atin, nakakatuwang isipin na mayroon pa ring mga taong marunong magbahagi ng kanilang biyaya sa kapwang higit na nangangailangan.

Ang ilan, dahil sa pagsusumikap na makaahon sa kabila ng pasanin dahil sa krisis ng COVID, mas nakatatanggap ng tulong dahil sa kahanga-hanga nilang abilidad at diskarte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel