Taxi driver na nawalan ng trabaho, pumanaw sa dami ng tumangging tumulong

Taxi driver na nawalan ng trabaho, pumanaw sa dami ng tumangging tumulong

- Ibinahagi ng isang netizen ang nakakadurog ng pusong kwento ng taxi driver na nawalan ng trabaho

- Nakiusap umano itong makikain gayung regular customer naman daw siya ng kainan

- Laking gulat na laman ng may-ari na bigla na lamang itong bumulagta at nawalan ng malay

- Ang masaklap, maging ang mga kapwa niya mga taxi driver ay di siya natulungan

- Ang mismog may-ari pa ng kainan ang nagmalasakit sa hinimatay na tsuper na madala ito sa ospital ngunit huli na ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taxi driver na nawalan ng trabaho, pumanaw sa dami ng tumangging tumulong

Taxi in the Philippines (Photo from Flickr)
Source: UGC

Isang nakakadurog ng pusong karanasan ang binahagi ng netizen na si Cheenee Reyes tungkol sa suki nilang taxi driver na bigla na lamang binawian ng buhay.

Nalaman ng KAMI na tila dismayado si Cheenee na hindi naasahan ang emergency response unit ng bansa sa mga sitwasyong tulad ng sa tsuper.

Ayon sa kanyang post, lakas-loob na nakiusap sa kanila na makikain ang taxi driver na masama pala ang loob at natanggal sa trabaho.

Dahil dati naman daw talaga nila itong suki at nagkataong wala na talagang pera pambayad o pambili ng makakain, pinakain na nila ito.

Nagkikwento pa raw ito ng kanyang hinaing sa nangyari sa kanyang pagkakatanggal nang bigla na lamang itong bumulagta.

Una raw na kinontak ang 911 subalit wala raw sumasagot agad. Gayundin sa numerong 8888 subalit pinatatawag pa rin sila sa 911.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sunod na nakiusap sila sa mga kapwa taxi driver ng lalaki ngunit tumanggi rin ang mga ito.

"Nakiusap kami sa mga kasamahan nyang taxi drivers na dalhin sya sa hospital, ayaw nila. Kargo daw nila kapag namatay sa taxi nila. Or baka daw di sila makabyahe pag hinold sila sa hospital," bahagi ng post ni Cheenee.

Dala ng malasakit sa tsuper, sina Cheenee na mismo ang nagdala sa ospital sa kaawa-awang taxi driver.

Sa kasamaang palad, dead-on-arrival na ito. Natagalan din bago dumating ang misis nito sa ospital.

Marahil, buhay pa sana ang tsuper kung ang mga inaasahan na tulong ay agad na dumating sa tamang oras.

Panawagan ng netizen, mahalaga ang pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ngayong marami ang labis na apektado ng pandemya.

"Kapag may chance, tumulong po tayo. Hindi natin alam kung kailan natin kakailanganin ang tulong ng iba," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang grupo ng mga taxi drivers na naapektuhan ang hanapbuhay mula nang sumailalim ang bansa sa community quarantine.

Nakabalik lamang sila sa operasyon nang payagan silang bumiyahe sa ilalim ng mga lugar na nasa general community quarantine.

Subalit, tulad na lamang ng taxi driver na pumanaw, ang ilan ay tuluyan nang natanggal sa trabaho at wala nang nabalikan pang hanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel