After 22 years! Sarah Balabagan, may matinding hamon kay Arnold Clavio

After 22 years! Sarah Balabagan, may matinding hamon kay Arnold Clavio

- Isang matinding hamon ang binitiwan ni Sarah Balabagan para sa ama ng kanyang anak na si Arnold Clavio

- Ayon kay Balabagan, nais niyang aminin ni Clavio ang tungkol sa kanilang anak na si Ara na una na niyang ibinunyag sa isang Facebook Live

- Nais daw niya na matuldukan na ang mga haka-haka tungkol sa tunay na ama ng panganay na anak

- Higit sa lahat, gusto din daw ni Balabagan na protektahan ang kanyang mga anak mula sa mga taong inuungkat ang isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapang na nagbigay ng mensahe si Sarah Balabagan para kay Arnold Clavio sa isang exclusive interview nito kay Ben Tulfo.

Ayon kay Balabagan, nais niyang aminin ni Clavio ang tungkol sa kanilang anak na si Ara na una na niyang ibinunyag sa isang Facebook Live.

After 22 years! Sarah Balabagan, may matinding hamon kay Arnold Clavio

Photo from Facebook
Source: Facebook

Dagdag pa nito, dapat nang harapin ni Clavio ang isyu matapos ang 22 taon na ibinigay niya rito at nanahimik ukol sa kanilang naging relasyon at anak.

"Arnold, tutal 22 years naman na ang nakakaraan, binigyan kita ng pagkakataon, nakinig ako sa'yo. So, ngayon it's about time na iklaro ko na at sabihin sa mga tao na ikaw nga ang ama," anito sa panayam.
"Tutal malaki na 'yung anak natin, 21 years old at malaki na rin ang mga anak mo. And I'm sure ready ka na emotionally, mentally para harapin 'yung ginawa mo sa akin.
"Pasalamat ka dahil after 22 years, aminin mo na lang, aminin mo na, magpakalalaki ka. Aminin mo 'yung ginawa mo sa akin.
"Hindi ko sasabihin kung paano mo ako minanipulate, hindi ko ida-justify kung ano 'yung mga ginagawa ko o kung paano nangyari 'yung mga pagkakamali ko. Pero sasabihin ko lang ang totoo na ikaw ang ama ni Ara," ani Balabagan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa rin daw sa mga dahilan ng kanyang pag-amin ay para matuldukan na ang mga haka-haka tungkol sa tunay na ama ng panganay na anak.

Nais din daw ni Balabagan na maprotektahan ang mga anak laban sa mga taong patuloy na inuungkat ang isyung ito.

Pero paglilinaw ng kontrobersyal na dating OFW, wala raw siyang sama ng loob kay Clavio.

Ang nais lamang niya ay aminin nito ang pagiging tatay sa kanilang anak.

Wala rin daw siyang intensyon na makisali sa usaping politika na kinasasangkutan ng Kapuso journalist at host.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mainit na isyu sa bansa ang pag-amin ni Sarah Balabagan sa isang Facebook Live tungkol sa naging relasyon nito at pagkakaroon ng anak kay Arnold Clavio.

Dahil dito, nag-trending ang batikang broadcaster at host sa social media.

Hinamon din ni Erwin Tulfo si Clavio na magsalita na ukol sa isyu na hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel