Delivery man, sapul sa video na walang mask at sa kalsada nag-aayos ng package

Delivery man, sapul sa video na walang mask at sa kalsada nag-aayos ng package

- Nakaaalarma ang video na kuha ng isang netizen sa delivery man na sa kalsada lang inaayos ang mga ide-deliver pa lang na package

- Wala ring mask ang naturang delivery man sa pag-aayos niya ng mga package na mahigpit na ipinagbabawal ngayong may pandemya

- Wala rin umanong kahit anong sapin ang mga package na nagmukhang mga basurang nagkalat sa kalsad

- Hindi rin matukoy ang partikular na courier ng lalaki dahil walang pangalan ang van na sinasakyan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Delivery man, nakunan ng video na walang mask at sa kalsada pa inaayos ang mga package

Delivery man (Photo from Needpix)
Source: UGC

Isang netizen ang nasaksihan at nakunan ng video ang di umano'y kapabayaan ng isang delivery man sa mga packages na kanyang ihahatid pa lamang.

Nalaman ng KAMI na nakita mismo ng netizen na si Tiffy Ang ang ginagawa ng lalaking wala pang suot na face mask.

Ayon sa panayam ng 24 kay Tiffy, nasabi nitong maraming nilabag ang lalaki na kitang-kita nga naman sa video.

Bukod sa wala itong face mask, wala ring sapin manlang sa kalsada ang mga package na basta na lamang nito isinasalansan.

Ngayong panahong patuloy ang paglaganap ng COVID-19, nakababahala nga ang insidenteng ito at malaki ang posibilidad na kumalat ang virus dahil sa ginagawang ito ng lalaki.

Ang delivery services pa naman ang inaasahan natin ngayon upang maiwasan ang madalas na paglabas na magiging dahilan pa ng pagkakaroon ng virus.

Nabanggit din ni Tiffy na matapos niyang i-post ang video, nalaman niyang ang ilang sa kanyang mga kaibigan ay nakasaksi na rin ng ganitong pangyayari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nangangahulugan lamang na tila gawi na ito ng ilan sa mga delivery man ng courier services sa bansa.

Ang masklap pa sa insidenteng ito, walang anumang pangalan o tatak ang van na sinasakyan ng delivery man kaya hindi matukoy kung saang kompanya ito nagtatrabaho.

Ngunit isa sa mga package ay nakilala ni Tiffy na mula sa Lazada.

Nagpasalamat naman ang kompanya sa pagkuha ng video sa delivery man na ito upang nang sa gayon ay maakyunan nila sa kanilang bahagi ang nakababahalang insidente.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos dalawang buwan na ang nakararaan ng isa sa mga kilalang courier sa bansa ay nalagay sa kontrobersiya matapos na makunan ang ilan nilang empleyado na hinahagis ang mga package at parcels na ide-deliver pa lamang.

Agad na umaksyon ang courier service at kinasuhan ang mga empleyadong natukoy dahil sa video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel