Ben Tulfo, hinamon si Arnold Clavio na magsalita na ukol sa isyu nila ni Sarah Balabagan

Ben Tulfo, hinamon si Arnold Clavio na magsalita na ukol sa isyu nila ni Sarah Balabagan

- Matatapang na salita ang binitawan ni Ben Tulfo kay Arnold Clavio kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila ni Sarah Balabagan

- Matapos ang matinding rebelasyon, na-interbyu ng programa ni Ben si Sarah na kasalukuyang nasa Amerika

- Ilang araw matapos ibunyag ni Sarah na si Arnold ang ama ng kanyang panganay na anak, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Kapuso News anchor

- Bilang isang mamahayag, nararapat daw na magsalita na si 'Arn-Arn' tungkol sa kontrobersyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ben Tulfo, hinamon si Arnold Clavio na magsalita na ukol sa isyu nila ni Sarah Balabagan

Ben Tulfo (Photo from Bitag Facebook)
Source: Facebook

Matapos ang exclusive interview na ginawa ng programang "Bitag" kay Sarah Balabagan, hinamon ng host na si Ben Tulfo na magsalita na dapat si Arnold Clavio.

Nalaman ng KAMI na kamakailan, gumawa ng ingay ang naging kontrobersyal na overseas Filipino worker noong dekada '90 na si Sarah Balabagan nang tahasan niyang inamin sa kanyang Facebook Live na ang ama ng panganay niyang anak ay si Arnold Clavio.

Ginawa niya ito matapos na mag-viral ang isang post patungkol sa mga posibleng ama ng kanyang panganay na anak.

At makalipas ang nasa 20 na taon, saka pa lamang niyang inamin na si Arnold Clavio nga ito at hindi ang mga pangalang ini-uugnay sa kanya.

Ngunit matapos ang rebelasyon, walang ni isang pahayag na binitawan ang Kapuso News anchor patungkol sa isyu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagawa pa umano itong magbahagi ng kanyang larawan na nagpapakitang nagpapaayos siya ng kanyang buhok.

Isa ito sa nabanggit ni Ben Tulfo patungkol sa nararapat na gawin ni Arnold sa ngayon.

"What are you guys doing? patuloy niyo bang ide-deadma to?"

"Para kang bulag, para kang bingi... Nagawa mo pang ipaayos buhok mo," ang ilan sa mga nabitawang mga salita ng matapang na broadcaster.

"Kung nasa Amerika tayo, tanggal ka na sa trabaho!" dagdag pa niya.

Hinahamon niya na magsalita na ang tinatawag niyang "Tol Arn-Arn" bilang kasama niya ito sa industriya ng pamamahayag at minsan na rin niya itong naipagtanggol nang masangkot din ito sa isa pang isyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ben Tulfo sa programa niyang Bitag:

Naging kontrobersyal ang buhay ni Sarah Balabagan noong dekada '90 dahil sa di umano'y pagpaslang niya sa kanyang amo na pinagtangkaan siyang halayin.

Sa kanyang nagawang rebelasyon tungkol sa pagkatao ng kanyang anak, nasabi nitong napatawad na rin naman sila ng asawa ni Clavio.

Ang masakit lamang sa nangyari, lumaking sabik sa pagkalinga ng ama ang anak nila ni Arnold na si 'Ara.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel