‘P15,200’: Pinas, isa sa mga pinakamababa magpasahod, sabi sa pag-aaral

‘P15,200’: Pinas, isa sa mga pinakamababa magpasahod, sabi sa pag-aaral

- Isang pag-aaral ang isinagawa upang malaman ang average salary ng 110 na mga bansa

- Base sa resulta, nanguna ang Switzerland na may average salary na P296,200

- Samantala, nasa pang-95 na bansa naman ang Pinas at P15,200 ang average salary

- Bwelta naman ng Employers Confederation of the Philippines, kulang sa konteksto ang pag-aaral na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pag-aaral ang nagsabi kamakailan na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinakamababa magpasuweldo.

Nalaman ng KAMI na sa 110 na bansa ay pang-95 ang Pilipinas pagdating sa pagpapasahod sa mga manggagawa.

‘P15,200’: Pinas, isa sa mga pinakamababa magpasahod, sabi sa pag-aaral

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng Inquirer (isinulat ni Gabriel Pabico Lalu), nagsagawa ng pag-aaral ang isang international e-commerce site na Picodi.com at lumabas na Switzerland ang may pinakataas na pagpapasahod sa higit 100 na bansa.

Nakalagay sa pag-aaral na ang Switzerland ay may average salary na P296,200. Sumunod na nga rito ang Luxembourg na P198,500 at ang United States na may P174,000 average salary.

‘P15,200’: Pinas, isa sa mga pinakamababa magpasahod, sabi sa pag-aaral

Screenshot from Picodi.com
Source: Facebook

Samantala, ang ibang bansa naman sa Southeast Asia tulad ng Malaysia (49th) ay nasa P41,300 ang average at P30,700 naman sa Thailand (60th). Ang Pilipinas naman ay nasa P15,200 ang average salary.

‘P15,200’: Pinas, isa sa mga pinakamababa magpasahod, sabi sa pag-aaral

Screenshot from Picodi.com
Source: Facebook

Base sa ulat ng ABS-CBN News, ikinalungkot ng labor group na Associated Labor Unions (ALU) - Trade Union Congress of the Philippines ang resulta ng pag-aaral.

Pero paliwanag ng Employers Confederation of the Philippines, kulang sa konteksto ang listahan at hindi kinonsidera nito ang ekonomiya ng bawat bansa.

Sa ulat naman ng Esquire Magazine (isinilat ni Paul John Cana), lumabas sa evaluation ng isang Hong Kong-based venture capital firm na ang Pilipinas ay hindi gaanong ligtas na bansa sa Asia-Pacific ngayong may COVID-19 Pandemic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa lahat ng bansa sa Asia Pacific region, nasa panghuli o ika-20 na bansa ang Pinas sa least safe at most at-risk na bansa.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, lumabas naman sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 45.5% o 27.3 million na mga Pinoy ang walang trabaho ngayong may COVID-19 crisis sa bansa.

Samantala, sinabi naman ng Palasyo na ang tanging paraan na masolusyonan ang mataas na employment rate sa bansa ay pausbungin ang ekonomiya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel