Jose Mari Chan, pinalitan ang lyrics ng sikat niyang kanta para umayon sa 'new normal'
- Marami ang naaliw nang palitan ng sikat na singer-songwriter ng bansa na si Jose Mari Chan ang lyrics ng isa sa kanyang mga sikat na awitin
- Ini-ayon niya ito sa 'new normal' kung saan gumamit siya ng mga salitang tulad ng 'quarantine', 'facetime' 'chat'
- Mas lalong dumami ang humanga sa kanya lalo na at sa kabila ng kanyang edad na 75, nakagagawa pa rin siya ng magandang uri ng musika
- Nakilala rin si Joe Mari Chan dahil sa kanyang awiting "Christmas in our Hearts" na patok na patok sa mga memes ng Pinoy tuwing 'ber-months'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang nakaka-good vibes na awitin ng isa sa mga batikang singer-songwriter ng bansa na si Jose Mari Chan.
Nalaman ng KAMI na naisipan ni Jose Mari Chan na baguhin ang ilang lyrics ng kanyang awiting "Let's Stop and Talk Awhile" na sumikat noon pang 80's.
Sa bagong bersyon nito, ginamit niya ang ilang salita na naaayon sa 'new normal' bilang patuloy pa rin tayong dumaranas ng pandemya.
Ipinalit niya ang mga salitang "facetime", "chat", "internet" at "quarantine" sa ilang bahagi ng kanyang nakakatunaw ng pusong awitin na nakapagpangiti sa mga netizens.
Lalo raw humanga ang mga ito sa singer dahil sa kabila ng edad niyang 75 ay nakapagbibigay pa rin siya ng mga awiting nakakagaan ng loob at nakakapagbibigay inspirasyon lalo nga ngayong patuloy pa rin tayong humaharap sa krisis na dala ng COVID-19.
Narito ang bagong bersyon ng kanyang awitin na binahagi tin ng Facebook page na Kyusi:
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Samantala, mas lalong nakilala si Jose Mari dahil sa mga memes na lumalabas tuwing 'ber-months' kung saan makikitang 'sumisilip' silip na siya.
Ito ay dahil sa kanyang awiting "Christmas in our Hearts" na patok na patok na awiting pamasko tuwing papatak na ang Christmas Season sa bansa.
Kamakailan, ipinagdiwang ang ika-30 taon ng awiting ito na talaga naman tumatak sa puso ng mga Pinoy kahit ng mga makabagong henerasyon.
“Now i wear a face mask!” pagbibiro pa ni Jose Mari nang makapanayam siya ng ABS-CBN News patungkol sa isang meme na lumabas kaugnay pa rin ng sikat niyang Christmas song.
“It’a sad time now but I feel blessed that a Christmas song I wrote three decades ago continues to be loved and sung today,” dagdag pa ni Jose Mari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang noon lamang nakaraang taon, namataan pa siya na umaawit ng 'Christmas in our Hearts' sa isang food court ng mall.
Setyembre 1 nang makunan siya ng video bilang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa bansa.
Minsan na rin niyang nasagot ang tanong kung na-offend ba siya sa mga memes sa kanya. Nasabi niyang natutuwa naman siya subalit sana ay mamutawi pa rin ang totoong kahulugan ng kanyang kanta at hindi lamang ang kanyang meme na lumalabas tuwing malapit na ang pasko.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh