Willie Revillame, mamimigay ng 1,000 tablets para sa masuswerteng mag-aaral

Willie Revillame, mamimigay ng 1,000 tablets para sa masuswerteng mag-aaral

- Masayang inanunsyo ni Willie Revillame na mamahagi siya ng 1,000 tablets para sa mga mapipiling estudyante ng kanyang programa

- Ito ay dahil madalas na hiling ng kanyang mga taga-subaybay ang gamit para sa paaralan ng kanilang anak sa darating na pagbubukas ng klase

- Nakikipag-ugnayan na ang Wowowin host sa Kagawaran ng Edukasyon sa kung ano pa ang maaring maitulong ng kanyang programa sa bagong sistema ng pag-aaral ng mga bata ngayong taon

- Una nang namahagi ng tulong si 'Kuya Wil' sa mga jeepney drivers nitong nakaraang kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Willie Revillame, mamimigay ng nasa 1,000 tablets para sa online class ng mga estudyante

Willie Revillame (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Hindi jacket kundi android tablets na ang handog ni Willie Revillame sa kanyang programang "Wowowin."

Nalaman ng KAMI na masayang inanunsyo ni "Kuya Wil" na naka-order na siya ng nasa 1,000 andriod tablets na kanyang ipamamahagi sa mga maswerteng mag-aaral na mapapagkalooban nito.

Ayon pa sa sikat na TV host, madalas niya kasing marinig sa kanyang mga tagasubaybay na ang nais na lamang nila ay para sa pag-aaral ng kanilang mga anak para sa darating na pagbubukas ng klase.

Ipinakita niya ang ilang sample ng tablet na kanyang ipamimigay.

Nakikipag-ugnayan na rin si Kuya Wil sa Department of Education upang mailatag pa sa kanya ang posibleng tulong na kanyang maibibigay lalo na at bago ang sistema ng edukasyon ngayong taon bilang pag-ingat pa rin sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi ang Wowowin host ng tulong sa mga tsuper na ilang buwang walang kita at napilitang mamalimos upang may maipakain sa kanyang pamilya.

Sa post mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ipinakita nito ang mismong proseso ng pamamahagi ng P5 million pesos na inilaan ni Kuya Wil para sa mga jeepney drivers noong nakaraang linggo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tiyak na maraming estudyante ang maayos na makapag-aaral ngayong taon sa dami ng mga mabubuting indibidwal tulad ni Kuya Wil na gumagawa ng paraan upang makasabay sila sa 'new normal' ng edukasyon.

Inaasahan kasing pinal na ang petsang Oktubre 5 para sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021.

Si Willie Revillame ay isa sa kilalang artista, host at recording artist sa bansa. Isa siya sa mga "highest paid celebrities" sa bansa kaya naman hindi kataka-takang ganoon na lamang kalaki ang tulong at pagmamalasakit niya sa mga nangangailangan dahil marunong siyang mamahagi ng tinatamasang biyaya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel