Babaeng idineklarang patay ng paramedics, biglang nagising bago pa man siya ma-embalsamo

Babaeng idineklarang patay ng paramedics, biglang nagising bago pa man siya ma-embalsamo

- Laking gulat ng isang funeral homes nang biglang magising ang bangkay na dinala sa kanila

- Mabuti na lamang at nakumpirma nila ito bago pa man maisagawa ang pag-eembalsamo sa bangkay

- Maging ang pamilya ng 20-anyos na sumakabilang buhay ay nagulat lalo na at mismong mga paramedics pa ang nagkumpirmang patay na nga ito

- Patuloy na iniimbestigahan ang kasong ito ng babaeng isinilang na may cerebral palsy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Babaeng idineklarang patay ng paramedics, biglang nagising bago pa man siya ma-embalsamo
Dead body (Photo from Pikist)
Source: UGC

Isang babae sa Michigan, USA ang idineklara nang patay ang biglang nagising nang dalhin na ito sa funeral homes.

Nalaman ng KAMI na matinding palaisipan pa rin ito sa pamilya ng 20-anyos na si Timesha Beauchamp na mismong mga paramedics naman ang tumingin at nagkumpirma na wala na itong buhay.

Sa ulat nina Allyson Waller and Derrick Bryson Taylor ng The New York Times, nabanggit ng abogado ng pamilya ni Timesha na ipinanganak ito na may cerebral palsy.

Maaring may posibilidad na ang kanyang kondisyong ito ang naging dahilan ng kanyang 'pansamantalang' kawalan ng malay at inakalang siya ay patay na.

Nai-ulat naman ng Dailymail UK na labis na naghihinagpis ang ina ni Timesha sa sinapit ng kanyang anak lalo na at kritikal naman ang lagay nito ngayon sa isang ospital sa Detroit.

Kwento ng ina, nito lamang linggo nang tumawag sila sa mga paramedics upang humingi ng tulong at 'unresponsive' na si Timesha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa salaysay ni Chief Johnny L. Menifee ng Southfield Fire Department nasabi nitong nasa 30-minuto pang sinubukang i-revive ng mga rumespondeng paramedics ang noo'y hindi na humihingang si Timesha.

Ayon pa sa Washington Post, nadala na si Timesha sa Funeral parlor at muntik na itong ma-embalsamo nang bigla itong nagising.

Pahayag ni Jocelyn Coley, spokeswoman funeral home kung saan dinala si Timesha, tinatayang nasa dalawang oras nang nasa body bag si Timesha bago nila madiskubreng buhay pa pala ito.

Laking gulat ng staff nila na mapansing humihinga pa ang babaeng dinala sa kanila at bumukas pa ang mga mata nito.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang kasong ito ni Timesha.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Minsan nang may nai-balita na isa ring babae ang idineklara nang patay sa loob ng 27 na minuto nang bigla itong mabuhay.

Limang beses itong ni-revive nang muli itong mabuhay at humingi agad ng panulat at papel.

Sa bansa, isang bata sa Lanao del Norte ang pinaniniwalaang nagkaroon muli ng pulso matapos itong makumpirma na sumakabilang buhay na.

Kalaunan, nakipagtulungan na ang barangay sa pamilya ng bata upang muli itong mailibing at mabigyan na ng katahimikan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica