Lalaking nagpositibo sa COVID-19, nagawa pang makipag-inuman kaya nakahawa pa ng iba

Lalaking nagpositibo sa COVID-19, nagawa pang makipag-inuman kaya nakahawa pa ng iba

- Naka- special concern lockdown ngayon ang isang eskinita sa Quezon City dahil umano sa hawahan ng COVID-19 sa lugar

- Mayroon kasing isang lalaki na kahit nagpositbo sa rapid test, nagawa pa ring makipag-inuman

- Ang isa sa mga nahawa pa niya ay anak ng dating kagawad ng lugar at ang mismong ex-kagawad ay nagawa ring makipag-inom at makipagsugal sa iba ring grupo

- Oobserbahan ang nasa 25 na pamilya sa lugar dahil close contact umano sila ng mga nagpositibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking nagpositibo sa COVID-19, nagawa pang makipag-inuman kaya nakahawa pa ng iba

Photo (from Flickr)
Source: UGC

Kasalukuyang naka-special concern lockdown ang isang eskinita sa Brgy. Nayong Kanluran sa Quezon City matapos na maka-close contact ng isang nagpositibo sa COVID-19 ang nasa isa sa 25 na pamilya na roon.

Nalaman ng KAMI na isang lalaki ang nagawa pa umanong makipag-inuman sa kabila ng pagiging positbo nito sa COVID-19 sa isinagawang rapid test sa kanya.

Ayon pa sa ulat ng GMA News, isa sa mga naka-inuman pa ng lalaki ay anak ng ex-kagawad ng lugar.

Habang hinihintay ng anak ng dating kagawad ang resulta ng kanyang test, ang kanyang ama naman ang nakipag-inuman at nakipagsugal pa sa ibang grupo.

Kalaunan, nagpositibo ang mag-ama sa virus kaya lalong lumawig ang mga nahawa sa kanilang lugar.

Aminado ang Barangay Chairperson na si Eunice Bucsit na may katigasan ng ulo mga nasasakupang residente kaya ngayon ay nangangamba silang magka-outbreak sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng tinatawag na special concern lockdown sa Quezon City.

Matatandaang noong Mayo, limang barangay ang sumailalim sa nasabing uri ng lockdown dahil sa 15-30 ang positibong kaso sa Barangay Taro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills at Tatalon ayon sa ulat ng Rappler.

Sa ulat ng Manila Bulletin, iminungkahi na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ilagay na rin ang iba pang barangay sa Quezon CIty bukod sa Brgy. Nayong Kanluran dahil sa patuloy na pagtaas ng hawahan ng COVID-19 sa lugar.

Importante ang pagiging responsable lalo na at mayroon pa rin tayong kinahaharap na pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isang ama rin ang nai-ulat na nag-agaw buhay sa COVID-19 dahil nakipag-party ang kanyang anak na unang nagpositibo sa virus.

Dahil sa patuloy pa pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa bansa, mahigpit na ring ipinatutupad ang pagsusuot ng face shield bukod sa mga face mask tuwing lalabas at pupunta sa matataong lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel