Nag-viral na gurong nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong at may sari-sari store na

Nag-viral na gurong nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong at may sari-sari store na

- Matapos na mag-viral ang post tungkol sa diskarte ng isang gurong nawalan ng trabaho, dinagsa na siya ng tulong

- Marami ang nagpaabot ng kanilang biyaya sa guro na matiyagang naglalako sa kabila ng edad niyang 63

- Kinakailangan pa rin kasi niyang kumita para sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya

- Laking pasasalamat niya sa mga nagmalasakit sa kanyang kalagayan at ngayon ay nagkaroon pa siya ng munting tindahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral na gurong nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong at may sari-sari store na

Eloisa Gicar (Photo from Ayla Conda's Facebook)
Source: Facebook

Umaapaw ang pasasalamat ng 65-anyos na guro na na si Eloisa Gicar dahil sa mga natanggap niyang tulong mula nang siya ay mag-viral.

Nalaman ng KAMI na isa sa kanyang napagbentahan na si Karlo Ternora ang nag-upload ng larawan ni Teacher Loisa.

Nagpapagasolina umano si Karlo nang alukin siya ng mga panindang pagkain ng dating guro.

Sa ulat ng Rappler, napag-alamang lima ang mga anak ng guro na pawang naapektuhan din ang trabaho dahil sa pandemya.

May mga pamilya na rin daw ang mga ito kaya naman umisip siya ng paraan upang siya ay may kitain at hindi umasa sa mga ito.

Gayundin kasi ang kanyang mister na nawalan ng trabaho dahil sa pananalasa ng COVID-19 sa bansa kaya naman habang tumatagal ay namomroblema na sila ng kanilang panggastos sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng News5, namataan din si Teacher Loisa ng netizen na si Menchie Silvestre sa may Holy Spirit Drive sa Quezon City.

Mapapansin sa dalawang nag-viral na larawan ni Teacher Loisa na umaga at gabi ang kuha sa mga ito. Nangangahulugan lamang na maghapon hanggang magdilim naglalako ang dating guro.

Ngunit dahil sa marami ang naantig ang puso sa kalagayan ng gurong nawalan ng trabaho, dinagsa siya ng mga biyaya mula sa mga taong may mabubuting kalooban.

Binahagi ng isa pang uploader ng larawan ni Teacher Loisa na si Ayla Conda sa Inquirer na nagkaroon ng munting sari-sari store ang guro sa kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis daw na nagpapasalamat ito dahil sa loob ng ilang araw, natupad ang kahilingan niyang magkaroon ng sari-sari store at hindi na niya kailangan pang lumabas para maglako.

Kahanga-hanga talaga ang diskarte at abilidad ng mga guro tulad ng ipinakita ni Teacher Loisa kahit nawalan siya ng hanapbuhay na ilang dekada nang bumubuhay sa kanyang pamilya.

Kahit sinusubok ng pandemya, patuloy pa rin silang nakikisakay sa agos ng buhay maisulong lamang ang edukasyon sa kabila ng napakaraming suliranin dala ng krisis ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel