83-anyos na lola, pinag-aagawan ng mga anak dahil di umano sa pensyon

83-anyos na lola, pinag-aagawan ng mga anak dahil di umano sa pensyon

- Halos pagpasa-pasahan di umano ng mga anak ang kanilang ina na may edad na

- Mapapansin unti-unti nang nag-uulyanin na ang matanda na tila walang alam sa mga nangyayari sa kanyang mga anak

- Katwiran ng inirereklamong kapatid, ayaw niyang ipahiram ang ina dahil sa walang trabaho ang nagrereklamong kapatid niya dahil sa pandemya

- Hindi naman niya binabawalang dumalaw ang kapatid at maaari naman daw niyang ipahiram ang ina kung tapos na ang pandemya at maayos na muli ang kabuhayan ng kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

83-anyos na lola, pinagpapasa-pasahan ng mga anak dahil di umano sa pensyon

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Walang kaalam-alam ang 83-anyos na ginang na si Corazon Lipardo na nagkakaroon na ng alitan ang kanyang mga anak dahil sa kanya.

Nalaman ng KAMI na nais hiramin ni Jeanette Estabillo ang ina na nasa pangangalaga ng kapatid na si Myriam Jimenez.

Dumulog na si Jeanette sa programa ni Raffy Tulfo dahil hindi raw pumapayag si Myriam na ipahiram ang ina para lamang sana makapiling ito.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang programa ni Tulfo sa barangay kung saan na roon ang ina.

Pinasamahan na rin ni Kagawad Edwin Sambrona ng Barangay 905 Sta. Ana Manila ang staff ni Tulfo na nagtungo sa tahanan ni Myriam na kumukupkop sa ina.

Nadatnan naman nila ang mag-ina roon at nakita nila ang kalagayan ng matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panayam kay Myriam, sinabi nitong hindi naman niya pinagdadamot ang ina sa kapatid.

Maari naman daw dalawin ang kanilang ina ngunit hindi muna raw niya ito ipauubaya kay Jeanette lalo na at wala raw itong hanapbuhay dahil sa pandemya.

Diretsahan na ring itinanong ng staff ni Tulfo ang posibleng dahilan kung bakit dumating pa sa puntong idinulog sa programa ang problema nilang magkapatid. Sinabi nitong malaking posibilidad ay dahil sa pensyon na nakukuha ng kanilang magulang.

Bagaman at housewife lamang din si Myriam, nilinaw niyang nagtatrabaho sa gobyerno ang kanyang mister kaya sapat naman daw ang kinikita nito at ang pensyon ng ina ay para lamang mismo sa mga pangangailangan nito sa araw-araw.

Sinabi rin niyang papayagan niyan lamang si Jeanette na mahiram ang ina kung tapos na ang pandemya at may maayos na itong kabuhayan.

Ayon naman sa kinatawan ng barangay, mainam ngang ipahiram ni Myriam ang ina sa kapatid upang malaman lamang nila kung paano ang mag-alaga at kung paano magbigay ng mga pangangailangan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Kilala si Raffy Tulfo sa pagiging sumbungan ng bayan at dahil na rin sa bilis ng pagresponde niya rito.

Kahit pa nasa ibang bansa, naipakita na rin niya ang pagiging matulungin kahit sa mga dayuhang nangangailangan ng tulong.

Gayundin sa mga kilala at prominenteng tao, siya na rin ang nagiging takbuhan dahil sa patas at maayos niyang pagbibigay ng solusyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel