COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa mahigit 200,000

COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa mahigit 200,000

- Umabot na sa mahigit 200,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Ito ay matapos na dumagdag ang mahigit 5,000 na kaso na naitala lamang ngayong araw.

- Mula pa rin sa National Capital Region ang mataas na bahagdan ng lampas limang libong naitala ngayon

- Umabot naman sa mahigit isang libo ang mga naka-recover habang 99 ang mga pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa mahigit 200,000

Photo (from Public Domain)
Source: UGC

Pumalo na sa 202,361 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa ating bansa.

Nalaman ng KAMI na 5,277 ang naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw na siyang bumuo sa bilang na mahigit na sa 200,000.

Mapapansin sa datos na inilabas ng Department of Health na mula pa rin sa National Capital Region ang pinakamataas na bilang na naitala ngayong araw na mayroong 3,157 na bagong kaso na sinundan naman ng Laguna na may 403 new cases.

304 naman ang nagpositibo ngayon sa Negros Occidental habang ang Rizal ay may 237 na mga bagong kaso at Cavite na may karagdagang 228.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, 1, 131 naman ang mga naka-recover sa COVID-19 ngunit umabot pa rin sa 99 ang mga pumanaw.

Sa huling datos na inilabas ng Worldometers, ika-22 na ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng naturang respiratory disease.

Nangunguna pa rin ang United States of America na halos 6 million na ang mga tinamaan ng COVID-19.

Ang China na pinaniniwaalang pinagmulan ng virus ay ika-35 na mayroong 84,996 na kaso. Mapapnsin ding hindi na lumalampas sa 50 ang mga dumadagdag na kaso sa kanila araw-araw.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nai-ulat ng TV Patrol ang panukala ng Department of Transportation na pagsusuot ng face shield bilang karagdagang proteksyon lalo na sa mga taong kinakailangang lumabas sa kani-kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging epektibo ito noong Agosto 15 at unang ipinatupad sa mga commuters at sa mga nagtatrabaho.

Ngunit mula nang maisailalim muli ang Metro Manila sa General Community Quarantine ay pinagsusuot na rin ng mask ang mga nagpupunta sa mall, namamalengke, naggo-grocery o ang mga nagpupunta sa mga matataong lugar.

Patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga safety protocols tulad ng frequent hand-washing, disinfection at social distancing upang makaiwas sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel