China Roces, ipinagtanggol ang "babaeng" nabanggit nya sa FB Live

China Roces, ipinagtanggol ang "babaeng" nabanggit nya sa FB Live

- Nilinaw ni China Roces na walang kinalaman sa kanilang matinding away ni Tim Sawyer ang kapwa vlogger na si Tria Valentin

- Nadamay kasi ang dalaga matapos mabanggit ni China na china-chat ito ni Tim Sawyer

- Dahil dito ay na-bash ng ilang netizens si Tria matapos ang kontrobersyal na FB live ng couple

- Ngunit ipinagtanggol ito ni China at nakiusap pa sa mga followers na huwag nang i-bash pa si Tria

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May nilinaw ang vlogger at model na si China Roces ukol sa babaeng nabanggit niya kamakailan sa Facebook Live na china-chat ni Tim Sawyer.

Ayon kay China, walang kinalaman ang vlogger at model na si Tria Valentin sa matinding away nila ng kinakasama na si Tim Sawyer.

China Roces, may isiniwalat ukol sa "babaeng" nabanggit nya sa FB Live

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Matatandaang nabanggit ni China ang dalaga sa kontrobersyal na FB Live nila ni Tim at inamin ng huli na mayroon daw silang pinag-uusapang collaboration ni Tria.

Matapos nito ay na-bash si Tria dahil sa pagkakadawit sa away ng dalawa. Pero sa isang FB post, ipinangtanggol ito ni China at nilinaw na si Tim lamang daw ang may gusto na gumawa sila ng video ni Tria.

Nakiusap din si China sa mga followers na huwag nang idamay at i-bash pa ang dalaga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isa namang post sa Facebook group na Tria FAM, nagpasalamat si Tria sa mga taong sumusuporta at tumutulong sa kanya sa gitna ng isyu.

"Fam gusto ko lang talaga mag pasalamat sa mga tumulong sakin sa gitna ng issue. Sa mga di nakakakilala pa sakin ng maigi dito as much as possible nilalayo ko ang tria fam sa mga away at gulo kasi mahal ko sila na parang pamilya.
"Ayaw ko ng pinapagsalitaan sila ng masasakit di bale nang ako nalang. Sorry kasi di ko na control yung mga pangyayare. Maraming maraming salamat talaga sa lahat minsan naiisil ko parang di ko deserve yung pagmamahal niyo," anito.

Nagpasalamat din ito kay China dahil sa pagtatanggol nito sa kanya at hiniling na maging maayos na ang lahat para rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang kaibigan naman ni China ang agad na nagsiwalat ng kanya raw nalalaman ukol sa mainit na isyu.

Samantalang, mabilis na kumalat din ang convo nina China at ng matalik na kaibigan ni Tim.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel