823 na mga estudyante at empleyado ng DepEd, tinamaan ng COVID-19

823 na mga estudyante at empleyado ng DepEd, tinamaan ng COVID-19

- Umabot sa mahigit 800 ang mga nagpositibo sa COVID-19 na mga estudyante at empleyado ng Department of Education

- Halos 300 sa bilang na ito ay pawang mga etudyante habang lampas 300 sa mga ito ay mga guro

- Ilang mga DepEd personnel din ang nagpositibo sa virus, dahilan upang pansamantalang isara ang kanilang tanggapan para sa malawakang disinfection

- Ilang mga guro na rin na pumapasok sa paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ang nagpositibo sa virus at sa kasamaang palad ay pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

823 na mga estudyante at empleyado ng DepEd, tinamaan ng COVID-19

Department of Education (Photo from Wikipedia)
Source: UGC

823 ang kasalukuyang bilang ng mga estudyante at empleyado ng Department of Education ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na halos 300 sa mga ito ay mga mag-aaral habang mahigit 300 naman ang mga teaching personnel.

Ayon sa Philippine Star, inilabas ang datos na ito ni Director Ronilda Co, DepEd Disaster Risk Reduction Management and Service (DRRMS) noong Agosto 23 sa online press conference ng Kagawaran ng Edukasyon.

Binigyang linaw pa ni Co na 297 ang mga mag-aaral kung saan 98 ang active cases at 193 naman ang naka-recover subalit anim naman ang mga pumanaw.

340 naman sa mga ito ay mga teaching personnel kung saan 140 ang active, 191 ang mga naka-recover at siyam naman ang pumanaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

186 naman ang mga non-teaching personnel na may 72 na active cases, 106 na mga naka-recover, at walo naman ang naitalang sumakabilang buhay na.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, 19 naman ang naitalang nagpositibo sa COVID-29 na empleyado mismo ng DepEd Central Office Pasig Branch.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang ahensya upang magkaroon ng malawakang disinfection.

Sa datos na ipinakita ng Rappler mula kay Bonz Magsambol, lumalabas na malaking bilang ng mga nagpositibo sa virus na may kaugnayan sa DepEd ay mula pa rin sa National Capital Region. Mataas na bilang din ang nagmula sa Region 7 at Region 4.

Sa pahayag na inilabas ni DepEd Secretary Leonor Briones, sinabi niyang hindi naman nagkulang ang ahensya sa mga safety protocols lalo na sa mga guro at mga empleyadong patuloy na naghahanda para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa darating na Oktubre.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang may ilang guro na ang naiulat na pumapasok sa paaralan upang maghanda para sa pagbubukas ng school year 2020-2021 ang nagpositibo sa virus at nakahawa pa ng ilan nilang kasamahan. Ang ilan, naiulat pang pumanaw dahil sa virus.

Orihinal na nakatakda ang pagbubukas sana ng klase sa pampublikong paaralan noong Agosto 24. Ngunit dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 at nalagay pa sa modified enhanced community quarantine ang NCR at ilan pang probinsya, inurong na ito sa Oktubre 5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel