Nurse na tumulong sa 1 palaboy, tatanggap ng pabuya kay Raffy Tulfo

Nurse na tumulong sa 1 palaboy, tatanggap ng pabuya kay Raffy Tulfo

- Bilang pasasalamat sa kabayanihang ipinakita ng nurse na si Lorraine Pingol, makakatanggap ito ng malaking halaga mula kay Raffy Tulfo

- Hindi na nag-alinlangan pa si idol Raffy na bigyan ito ng malaking halaga lalo na nang malaman na nakikipaglaban ito sa sakit na leukemia

- Hindi man inasahan ni nurse Lorraine ang mga biyayang natanggap dahil sa kanyang pagtulong, labis-labis naman ang pasasalamat nito

- Si Lorraine ang nag-viral na nurse matapos nitong tulungan ang isang ginang na nanganak sa kalye kamakailan lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa si Raffy Tulfo nang makausap ang nurse na si Lorraine Pingol sa kanyang programa matapos itong mag-viral kamakailan lamang.

Bilang pasasalamat sa kabayanihang ipinakita ni nurse Lorraine, makakatanggap ito ng malaking halaga mula kay Raffy Tulfo.

Nurse na tumulong sa 1 palaboy, tatanggap ng pabuya kay Raffy Tulfo

Photo from Facebook
Source: Facebook

Hindi na nag-alinlangan pa si idol Raffy na bigyan ito ng malaking halaga lalo na nang malaman na nakikipaglaban ito sa sakit na leukemia.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni nurse Lorraine dahil sa mga biyayang natanggap mula nang siya ay mag-viral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Anito, wala raw sa kanyang isip na may kapalit ang kanyang pagtulong sa isang palaboy na ginang na nanganak sa kalye.

Matatandaang mabilis na kumalat sa social media ang balita tungkol sa kabutihang ipinakita ni nurse Lorraine na papasok daw sana sa trabaho nang tawagin ng mga barangay rescuer.

Pero para kay idol Raffy, karapat-dapat na tulungan si nurse Lorraine dahil hindi biro ang ginawa nito lalo pa at kasalukuyang may banta ng coronavirus sa bansa.

Nagpasalamat naman si nurse Lorraine kay Tulfo sa malaking tulong nito para sa kanya.

Makakatanggap ito ng P100,000 mula kay idol na gagamitin daw nito para sa kanyang pagpapagamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong August 18 nang mag-viral ang mga larawan ni nurse Lorraine habang tinutulungan ang palaboy na nanganak sa isang gilid ng kalsada.

Marami ang humanga rito at mabilis na kumalat sa iba't ibang local news site.

Sa isang panayam dito, inamin nito na siya ay na-diagnose na mayroong leukemia noong 2013.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel