‘LizQuen’, tinanggihan ang diumano’y tripleng talent fee ng ibang network para sa ABS-CBN

‘LizQuen’, tinanggihan ang diumano’y tripleng talent fee ng ibang network para sa ABS-CBN

- Usap-usapan ngayon sa social media ang mga sikat na love teams ng ABS-CBN Network dahil sa pagsasara nito

- Nabalita rin na tinanggihan umano ni Liza Soberano at Enrique Gil ang offer na tripleng talent fee ng ibang network

- Sa ngayon, naninindigan sa pagiging loyal ang tambalang “LizQuen” sa ABS-CBN

- Nauna nang inanunsyo ng talent manager nilang si Ogie Diaz na priority pa rin nila ang ABS-CBN ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan nga ay usap-usapan ang kapalaran ng mga sikat na love teams sa ABS-CBN Network dahil sa pagsasara nito.

Nalaman ng KAMI na ang tambalang “LizQuen” ni Liza Soberano at Enrique Gil naman ay naninindigan sa kanilang home network na ABS-CBN.

‘LizQuen’, tinanggihan ang diumano’y tripleng talent fee ng ibang network para sa ABS-CBN

ABS-CBN (Photo from Getty Images)
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng Agilang Bayan (isinulat ni Matt Garcia), tinanggihan ng “LizQuen” ang offer ng TV5 Network kahit na nag-offer itong gawing triple ang talent fee nila.

Paliwanag ng talent manager nilang si Ogie Diaz, ang Kapamilya network ang nagpasikat kay Liza sa showbiz.

Base sa Facebook post ng Kapamilya World Online, sang-ayon din si Enrique sa naging desisyon ng talent manager nila at ni Liza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang tambalang “LizQuen” nga ay nakilala sa kanilang mga teleserye na Forevermore, Dolce Amore, Bagani, at Make It With You.

Nauna nang ibinunyag ni Ogie na nagpakita ng interes ang TV5 at Viva sa “LizQuen”, subalit inamin naman nito na sa ngayon ay priority pa rin nila ang ABS-CBN.

Samantala, inamin naman ni Liza na ang kanyang sariling spa business ay nakakaranas ng matinding problema ngayon dahil sa epekto ng COVID-19.

Noong magka-issue sa prangkisa ang ABS-CBN at magkaroon ng banta ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo naman ng talent manager na titigil na rin ang palabas ng LizQuen na Make It With You.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel