Mister ng doktorang 2 beses nagka-COVID, binigyang pugay ang yumaong misis

Mister ng doktorang 2 beses nagka-COVID, binigyang pugay ang yumaong misis

- Puno ng emosyon ang naging mensahe ng mister ng pumanaw na doktora na dalawang beses na tinamaan ng COVID-19

- Sa kanyang social media post, inihayag niya ang pagmamahal sa kanyang misis kahit sa kabilang buhay

- Binigyang pugay din niya ito sa lahat ng mga napagtagumpayan nito noong siya'y nabubuhay pa

- Ipinangako rin niya ang patuloy na paggabay sa kanilang mga anak na may edad 11 at 8 lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mister ng doktorang 2 beses nagka-COVID, binigyang pugay ang yumaong misis

Dr. Jerome Senen and wife Dra. Karen Abat-Senen (Photo from Jerome Senen's Facebook)
Source: Facebook

Umaapaw na emosyon ang laman ng social media post ni Dr. Jerome Senen, ang mister ng yumaong doctor na si Dra. Karen Abat-Senen na dalawang beses nakipaglaban sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na matapos ang 44 na araw sa ospital, sumakabilang buhay na ang doktora umaga ng Agosto 23.

Sa kanyang Facebook post, ibinuhos ni Dr. Jerome ang kanyang nais sabihin sa pumanaw na misis.

Nilarawan niya ang pagakaroon ng COVID-19 ng kanyang misis na "biggest and longest fight ever" na sa kasamaang palad ay hindi niya naipanalo gayung patuloy naman siyang sinuportahan ng lahat ng nagmamahal sa kanya.

Ipinangako rin niya ang walang kamatayan niyang pagmamahal sa kanyang misis na kahit hindi na rin siya makakatanggap pa ng "I Love You" mula rito ay patuloy daw niya itong sasambitin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang mala-anghel na boses ng kanyang asawa at laking pasalamat daw niya na kahit paano ay marami siyang video nito na umaawit na maari pa niyang mapanood muli.

Matatandaang si Dra. Karen ang doktora sa viral video kung saan napakanta pa siya sa ospital nang malamang negatibo na siya sa virus at makakauwi na rin siya sa piling ng mga anak.

Ito ay noong unang beses na tinamaan siya ng virus kung saan makalipas ang ilang araw ay nagkaroon muli siya ng sintomas.

Binigyang pugay din ng doktor ang iba't ibang talento ng kanyang misis bukod sa pagiging isang napakahusay na doktor.

"To my soulmate, my love for you will always burn like the sun. I love you," pagtatapos ng doktor sa emosyonal na post.

Ayon sa ABS-CBN News, naulila ni Doc Karen ang kanyang mga anak na may edad 11 at 8.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo 3 nang unang ma-discharge sa ospital ang doktora na umaapaw pa ang kaligayahan na napaglabanan niya ang bagsik ng virus.

Subalit laking gulat nila nang muli itong magka-sintomas ng COVID-19, makalipas lamang ang 2 araw mula nang makauwi ito mula sa ospital.

Sa naging panayam ng Dobol B kay spokesperson ng Philippine General Hospital na si Dr. Jonas del Rosario, nabanggit nitong tila karugtong ng impeksyon ng COVID ang nangyari sa doktora.

Sa pahayag naman ng kapatid ni Dra. Karen sa 24 Oras, inakala nila noon na pneumonia na lamang ang tumama sa kapatid ngunit labis silang nalungkot nang malamang COVID-19 muli ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel