Eskinita na naka-tiles, usap-usapan sa socmed ngayong tag-ulan

Eskinita na naka-tiles, usap-usapan sa socmed ngayong tag-ulan

- Tampok sa social media ngayon ang isang eskinita dahil sa kakaibang sahig nito

- Kita nga sa viral post na naka-tiles ang sahig ng eskinita sa isang barangay sa Marikina

- Nangamba naman ang mga netizens na baka madulas ang mga tao rito lalo na ngayong tag-ulan

- Samantala, nabalita namang si Bayani Fernando ang tao sa likod ng proyektong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang eskinita sa Marikina dahil sa kakaibang sahig nito.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang nakapansin na naka-tiles ang sahig sa eskinitang ito.

Eskinita na naka-tiles, tampok ngayong tag-ulan sa mga netizens
Photo from the Facebook page of Bayani Fernando
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng News5, napansin ng isang netizen na noong nag-deliver siya sa Brgy. Barangka sa Marikina ay naka-tiles ang sahig nito.

“Laking looban ako, pero first time ko talaga makalakad sa eskinita na naka-tiles, tapos umuulan pa. Salute sa mga residente rito, gagaling niyo magbalance!” sabi ng netizen.

Sa Facebook post naman ni Congressman Bayani Fernando noong February 2019, nakalagay dito na ang pagpapalagay ng tiles sa eskinitang ito ay kanyang proyekto.

“Binisita ni Congressman Bayani Fernando ang kanyang proyektong paglalagay ng tiles sa mga alleys ng Barangay IVC kasama si Kapitan Pandot Mira,” nakalagay sa post.

Samantala, naaliw naman ang mga netizens sa kakaibang eskinita na ito. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Talo pa CR niyo. kada tag-ulan mapapa-'woah madulas' ka na lang”
“Ganyan ang Wet market dito sa Bayan namin.. bahala ka ng mabagok... nakakahiya lang kase mag helmet na bibili ng isda”
“Putek buti pa ung labas naka tiles. Sarap iusog nung bahay”
“Ang talino ng nakaisip neto iwas magnanakaw”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bayani Fernando ay isang incumbent Marikina City Representative at dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Noong nakaraang taon, si Bayani Fernando ay nagsabing dapat mas maging mahigpit ang pamahalaan sa mga colorum na sasakyan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naging viral sa social media ang isang dog house. Napa-“sana all” nga ang mga netizens dahil may aircon pa ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)