92-anyos na lola, natangay ang P7 milyon na ipon matapos umano mabudol-budol

92-anyos na lola, natangay ang P7 milyon na ipon matapos umano mabudol-budol

- Nabiktima ng isang grupo ang 92-anyos na lola at tinangay ang pera nito

- Ayon sa lola, ang P7 million na ipon niya ay pinaghirapan niya ng maraming taon

- Nahuli naman ang suspek sa isang entrapment operation na ginawa ng pulisya

- Nagbigay naman ng payo ang senior citizen para hindi na mabiktima pa ang ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang 92-anyos na senior citizen kung paano natangay ang kanyang milyon-milyong ipon.

Nalaman ng KAMI na nabiktima ang lola ng diumano’y “budol-budol” gang kahit na may krisis ng COVID-19 ngayon.

92 anyos na lola, natangay ang P7 milyon na ipon matapos umano mabudol-budol

Photo from Pxfuel
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng GMA News, nakilala ng biktimang si Lola Remedios Buizon ang suspek dahil binentahan siya ng mga ito ng home appliance noong nakaraang buwan. Nakipagkaibigan daw ang grupo ng mga suspek at inalok siyang mag-invest sa mga home appliance.

Sabi ng pulisya, lumabas sa bank records na nagkaroon talaga ng withdrawal para nga sa investment.

“‘Di natin alam kung gaano kagaling ‘yong skill nila sa pag-convince pero na-convince kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawal,” sabi ni Balagtas, Bulacan chief of police Police Major Neil Cruzado.

Sa isang entrapment operation, nahuli ang 24-anyos na suspek na si Anthony Jitula matapos niyang tanggapin ang pera ng biktima matapos i-withdraw ito.

Ang P7 million ay ipon ni Lola Remedios matapos niyang magtrabaho ng higit 30 na taon sa Amerika. Kaya naman payo niya sa iba, huwag magtiwala agad-agad lalo na sa panahon ngayon.

"Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo. ‘Wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ang tao, may mga walanghiya ngayon,” aniya.

“Kay tanda ko nang ganito, aargabiyaduhin pa nila. Imbis na tulungan nila. Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan,” dagdag pa niya.

Paalala rin ng pulisya, mas maging ma-ingat ngayon kahit na naka-community quarantine pa rin ang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong matindi ang krisis sa bansa dahil sa COVID-19, kaliwa’t kanan nga ang mga nauusong scam para kumita ng pera.

Ayon sa awtoridad, may nauso ring “face shield” scam online mula noong i-anunsyo ng pamahalaan na kakailanganin na ang pagsusuot ng face shield sa iba’t ibang mga lugar.

Samantala, ang artista namang si Nikko Natividad ay umaming nabiktima rin siya ng isang investment scam kamakailan lang.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel