Maja Salvador, inilibot ang kanyang subscribers sa kanilang family house

Maja Salvador, inilibot ang kanyang subscribers sa kanilang family house

- Isang house tour vlog ang ibinahagi ni Maja Salvador para sa kanyang subscribers

- Inilibot niya sa kanilang family house ang kanyang tagapanood sa kanyang pinakabagong YouTube video

- Kasalukuyang nakatira si Maja sa isang condo unit ngunit napagpasyahan niyang manatili muna sa kanilang bahay ngayong nagkaroon ng pandemya

- Hindi muna itinuloy ng actress ang housetour sa taas na bahagi ng kanilang bahay at nangakong ipapakita iyon kapag umabot na ng 1 milyon ang kanyang subscribers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilibot ni Maja Salvador ang kanyang mga viewers sa kanilang family home sa pamamagitan ng isang home tour vlog.

Ayon sa kanyan, nakaparaming memories ang nabuo sa bahay na iyon na kanyang tinawag na "Casa Andres." Dahil sa maraming beses nang napa renovate at pinagawa, marami na rin umano ang naging itsura ng kanilang bahay.

Maja Salvador, inilibot ang kanyang subscribers sa kanilang family house

Maja Salvador (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Iyon umano ang family house nila. Aniya hindi na siya nakatira doon ngunit napagpasyahan na lamang niyang bumalik doon dahil nag-iisa lang ang kanyang kapatid na nakatira doon ngayong lockdown.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan sa mga ipinaita ng aktres ay ang kanilang hardin, living room, kitchen, dining room at ang kanilang lanai na ginawa na nilang gym na may sauna.

Unang palapag lamang ang pinakita ni Maja sa kanyang mahigit 945,000 na subscribers. Nangako siyang itutuloy niya ang house tour hanggang sa itaas na bahagi ng kanilang bahay kapag umabot na ng isang milyon ang kanyang mga subscribers.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

Samantala, dahil sa kanyang pagtatrabaho, aminado si Maja na wala siyang degree na nakuha mul sa pag-aaral ngunit proud siyang napag-aral ang kanyang mga kapatid.

Matatandaang naglabas din ng saloobin ang aktres hinggil sa mga taong hindi pumapabor sa pagbibigay ng prangkisa sa kanyang home network na ABS-CBN o Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel