Gerald Anderson, pinasilip ang pinapatayong resort sa Zambales

Gerald Anderson, pinasilip ang pinapatayong resort sa Zambales

- Marami ang lalong bumilib sa sipag, tiyaga at dedikasyon ni Gerald Anderson sa kanyang tinatayong negosyo

- Hands-on ang aktor sa mga gawain sa kanyang pinapatayong resort sa Zambales

- Bukod sa paggawa ng mga gawain kagaya ng paglilinis at pagpipintura, nagtatanim din si Gerald

- Kaya naman, buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang kanyang resor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi sinayang ni Gerald Anderson ang kanyang pagkakataon na personal na maasikaso ang kanyang pinapatayong resort sa Zambales.

Matatandaang ipinakita niya na ang nasabing property sa pamamagitan ng isang vlog nitong Hunyo. Sa kasalukuyan, mayroon nang mga bahay kubo, palikuran, bar area, at pool ang nasabing property.

Gerald Anderson, hands-on sa kanyang pinapatayong resort sa Zambales

Gerald Anderson (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Pangarap umano ni Gerald na magkaroon ng beachfront lot. Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Gerald kung paano niya personal na inaasikaso ang mga gawain sa kanyang resort.

Bukod sa paggawa ng mga gawain kagaya ng paglilinis at pagpipintura, nagtatanim din si Gerald. Matatandaang nagbukas ang kanyang gym noong 2019 ngunit kasalukuyang sarado ito bilang pagsunod sa pinapatupad na batas bunsod ng mga lockdown.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muling ipinasilip ng aktor ang kanyang "almost ready" na resort. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Gerald ang ilang amenities ng Hayati private resort.

Balak umano niyang palagyan ng outdoor gym ang kanyang private resort para mapanatiling fit at healthy ang kanyang mga guests.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Gayunpaman, nagkahiwalay sila at na link sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Naging usap-usapan kamakailan ang aktor matapos siyang tanungin tungkol sa kanila ni Julia Barretto na naiintrigang naging dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo.

Ibinahagi ng aktor ang hirap na pinagdadaanan ng kanyang negosyo dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel