Kaibigan ni China Roces, may ibinulgar ukol sa isyu nito at Tim Sawyer

Kaibigan ni China Roces, may ibinulgar ukol sa isyu nito at Tim Sawyer

- Matindi at palaban ang social media post ng nagpakilalang kaibigan ni China Roces tungkol sa isyu nito at ng kinakasamang si Tim Sawyer

- Inilahad nito na ilang linggo na rin daw itong dinaramdam ni China at iniwasan pa umanong komprontahin si Tim

- Ipinagtanggol din nito ang kaibigan sa mga kumukwestyon sa pag-live nito ng away nila ni Tim at maaaring dumaranas daw ng postpartum depression

- Matatandaang sumiklab ngayong araw ang isyu nina China at Tim matapos ang kontrobersyal na live video ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang palaban na Facebook post mula sa nagpakilalang kaibigan ni China Roces ang viral ngayon sa social media.

Sa FB page na Chinatics - China Roces, inilahad nito na siya raw ang isa sa pinagsabihan ni China ng tungkol sa lumalang away nito sa kinakasama at kapwa vlogger na si Tim Sawyer.

Kaibigan ni China Roces, may ibinulgar ukol sa isyu nito at Tim Sawyer

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Anito, ilang linggo na rin daw itong dinadala ni China matapos malaman na may mga itinatago umano rito ang lalaki.

Batay sa nasabing post, nag-ugat daw ang lahat matapos may makilala si Tim na lubos daw nitong pinagkatiwalaan kahit pa halos isang buwan palang daw nito itong nakikilala.

Bukod dito, nadiskubre ni China na may itinatagong malaking pera si Tim dito mula sa kinita nila sa kanilang mga vlogs na umabot daw ng ilang milyong piso.

Inilihim din umano ni Tim ang tungkol sa negosyong pinaplano nitong pasukin at maging ang pagbili ng bahay at sasakyan.

Ikinasama raw ng loob ni China ang pagtatago ni Tim sa kanya ng mga ito at mas pinili pa umanong pagkatiwalaan ang ibang tao.

Sinubukan pa naman daw ni China na huwag nang komprontahin si Tim sa takot na humantong pa sa mas matinding gulo ang lahat.

Sabi sa post, sumabog lamang si China nang humingi ito ng pera kay Tim mula sa kita nila mula sa kanilang mga videos para ipanggastos sa kanilang mga pangangailangan.

Ngunit dahil dito ay sinabi umano ni Tim na tapusin na lamang ang lahat sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"As per China, sabin ni tim, nagdedemand na daw masyado si China, kaya if ibibigay nya yung gusto o hinihingi ni China, tatapusin na daw nya pag vlog nito with China, pati lahat lahat sa kanila! seriously?" ayon sa post.

Nalaman din daw ni China na mayroon nakakachat na babaeng vlogger si Tim.

"China found out na may conversation din kayo ng isang girl vlogger, gaano kasakit yun! timing talaga na gusto mo tapusin lahat lahat?"

Ipinagtanggol din nito ang kaibigan sa mga kumukwestyon sa pag-live nito ng away nila ni Tim na maaaring dumaranas daw ng postpartum depression.

Ang naturang FB post ay ibinahagi ni China sa kanyang FB page.

Samantala, itinanggi naman ni Tim ang mga paratang laban sa kanya sa pamamagitan ng isang FB post at iginiit na hindi siya naging madamot sa kinakasama at pamilya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Ngayong umaga lang nang kumalat sa Facebook ang live video ng dalawa kung saan nagtatalo ang mga ito na agad din namang binura.

Mabilis ding kumalat sa socmed ang private convo ni China at ng kaibigan ni Tim!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel