Tim Sawyer, humingi ng dispensa sa lahat ng "drama" nila ni China Roces

Tim Sawyer, humingi ng dispensa sa lahat ng "drama" nila ni China Roces

- Sumagot na si Tim Sawyer sa mga alegasyon sa kanya ng asawang si China Roces

- Nilinaw niya ang umano'y dahilan kung bakit siya umupa ng ibang bahay nang hindi alam ni China

- Dumipensa rin siya sa akusasyon na pinagdadamutan niya umano ang kanyang sariling pamilya

- Aniya, pinaghirapan niya kung anong mayroon siya nang walang hinahatak pababa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumagot na si Tim Sawyer sa mga akusasyon ng sariling asawa laban sa kanya. Sa kanyang Facebook page ay ipinaliwanag ni Tim ang kanyang panig matapos maging usap-usapan ang tungkol sa pag-aaway nila ni China patungkol sa pera.

Inihingi niya ng paumanhin ang naging "drama" umano nilang mag-asawa. Aniya, simula pa noong July ay naging isyu na nilang mag-asawa ang mga bagay na kanilang pinag-awayan sa video.

Tim Sawyer, humingi ng dispensa sa lahat ng "drama" nila ni China Roces

Photo from Tim Sawyer's Facebook account
Source: Facebook

Napag desisyunan umano niyang umupa ng bahay nang hindi alam ni China dahil nagwala umano ito dahil sa isyu nila sa pera.

Binanggit niya din na binilhan niya pa ng mamahaling bag si China na nagkakahalagang 85,000.

Pinabulaanan niyang sakim siya sa pera dahil binibigay niya umano ang pera niya sa asawa. Wala umano siyang balak na ilihim kay China ang tungkol sa kinita niya na aminado siyang lumaki simula nitong nagka-lockdown.

Kaya umano nagalit sa kanya si China ay dahil sinabihan daw niya itong itigil na lamang nila ang paggawa ng video dahil napapagod na umano siya dahil sa lagi silang nag-aaway at nasasaktan pa umano siya nito.

Dumipensa rin siya sa akusasyon na pinagdadamutan niya umano ang kanyang sariling pamilya. Aniya, pinaghirapan niya kung anong mayroon siya nang walang hinahatak pababa.

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa. Marami din sa mga tagahanga nila ang nalungkot sa nangyari sa kanilang relasyon.

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang humingi ng paumanhin si Tim matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel