Pancake vendor, tuluyan nang iniwan ng nobyang ayaw sa buhay mahirap

Pancake vendor, tuluyan nang iniwan ng nobyang ayaw sa buhay mahirap

- Hindi na nabago pa ang isip ng nobya na tuluyang iwan ang kanyang kinakasama maging ang mga anak

- Ang dahilan nito, ayaw na raw niya ng 'mahirap' na buhay at ayaw na rin niya umano sa ama ng kanyang mga anak

- Nagkasundo na lamang sila sa na magbibigay na ang babae ng sustento tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan

- Aminado naman ang lalaki na kaya marahil nagkaganoon ang kinakasama dati ay dahil sa nabutis niya ito sa murang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pancake vendor at mga anak, tuluyan nang iniwan ng nobyang ayaw sa buhay mahirap

Pancake vendor (Photo from pxfuel)
Source: UGC

Talagang hindi na nabago pa ang isip ng babaeng si Catherine Gallardo na tuluyan nang iwan ang kanyang kinakasama na si Earlgie Abas.

Nalaman ng KAMI na humingi na ng tulong si Earlgie sa programa ni Raffy Tulfo tungkol sa kalagayan nila ni Catherine lalo na at iniwan na rin nito ang tatlo nilang maliliit pang mga anak.

Sa unang bahagi ng episode na ito ng Raffy Tulfo in Action, nakapagbitaw na ng nakaiinsulto at masasakit na salita si Catherine sa kanyang kinakasama.

"Tanggapin mo na kasi na ayaw ko na sa'yo at ayaw ko na ng buhay na ganyan, napakahirap!" ang nasabi ni Catherine.

Kahit pa raw bigyan siya ng isang milyong piso ay hinding-hindi na siya babalik pa sa piling ni Earlgie.

Dahil dito, kinumusta ng programa ang kalagayan ng mag-aama ngayon na wala na ang ilaw ng kanilang tahanan.

Naikwento ni Earlgie na nagkasundo na lamang sila sa barangay na magbibigay umano si Catherine ng sustento tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kung hindi ito tumupad, saka na lamang siya sasampahan ng kaso ni Earlgie.

Nai-detalye rin Earlgie ang napansin niya noon sa kinakasama nang magkaroon umano ito ng smartphone.

Bukod sa panay daw ang selfie nito, nawili raw ito sa video call at chat. Doon na rin niya ito nahuli na may katawagang "mahal", "love" o minsan naman ay "beh."

Ang masaklap, nalaman din ng nobyo na mayroon na ring ibang lalaki na nagsusustento kay Catherine.

Madalas na rin daw itong umaalis sa kanilang bahay na ang paalam ay mall ang kanyang pupuntahan.

Aminado naman si Earlgie na kaya marahil nagkaka-ganoon ang kanyang nobya ay dahil nabuntis niya ito sa murang edad.

Masakit lamang daw na makita ni Earlgie ang kanyang mga anak na umiiyak at hinahanap ang kanilang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube/Raffy Tulfo in Action:

Tulad ng kadalasang ginagawa ni Raffy Tulfo, nagpaabot na rin siya ng tulong sa mag-aama lalo na at mas naging mahirap ang buhay nila ngayon dala ng pandemya.

Umaasa ang marami na hindi man magkasundo ang dalawa, lumaki sana ng maayos ang mga anak kahit wala silang inang gagabay sa kanilang paglaki.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel