Nagpakilalang kaibigan ni Tim Sawyer, pumanig kay China Roces

Nagpakilalang kaibigan ni Tim Sawyer, pumanig kay China Roces

- Isang nagpakilalang kaibigan ni Tim Sawyer ang lumutang upang magsalita kaugnay sa isyung kinakasangkutan ngayon ng social media artist

- Aniya, naging kaibigan niya si Tim kahit noong nagsisimula pa lamang siya sa pagiging vlogger

- Kinupkop niya umano ito noong bago pa lamang siya sa Maynila dahil wala itong matirhan

- Gayunpaman, ikinadismaya nito na nagsinungaling umano si Tim para lang tanggihan siya nang humingi siya ng tulong dito kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nagpakilalang kaibigan ng vlogger na si Tim Sawyer ang naglabas ng video kung saan ibinahagi niya ang kanyang saloobin kaugnay sa kaibigan na umano ay "nalunod na."

Ang tinutukoy nito kaugnay sa naging isyu nila Tim at asawa nitong si China Roces. Ayon sa kaibigan ni Tim, nagkakilala sila noong 2016 o 2017 noong nagsisimula pa lamang umano ito.

Dahil bago pa lamang sa Maynila, hindi umano siya nag-atubiling kupkupin si Tim dahil wala itong matirhang bahay.

Nagpakilalang kaibigan ni Tim Sawyer, pumanig kay China Roces

Phot from Tim Sawyer's Facebook Account
Source: Facebook

Hanggang sa napunta umano siya sa abroad at inabutan ng pandemic. Sinubukan niyang humingi ng tulong kay Tim ngunit ang dahilan daw nito sa kanya ay wala siyang pera.

Pinagsabihan niya rin si Tim tungkol sa isyu nito sa pera sa asawa nitong si China Roces na naging viral nitong Sabado lamang ng gabi.

Hindi umano dapat pagdamutan ni Tim si China na bumili ng mga gamit para sa kanilang pagvlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa. Marami din sa mga tagahanga nila ang nalungkot sa nangyari sa kanilang relasyon.

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang humingi ng paumanhin si Tim matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel