Private school teacher na nawalan ng trabaho, naglalako ng pagkain para may kitain

Private school teacher na nawalan ng trabaho, naglalako ng pagkain para may kitain

- Viral ang larawan ng isang private school teacher na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

- Para may kitain, naglalako ito ng mga pagkain habang hawak ang karatulang nagsasabi ng kanyang kalagayan

- Marami ang naantig ang puso sa sitwasyon ngayon ng guro at nais na matulungan ito

- Isa ang grupo ng mga private school teachers na naapektuhan ng krisis ng pandemya at karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga pribadong paaralan o pagbabawas ng empleyado nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Private school teacher na nawala ng trabaho, naglalako ng pagkain para may kitain

Photo (From Karlo Ternora Facebook)
Source: Facebook

Kumurot sa puso ng maraming netizens ang larawan ng isang guro sa isang pribadong paaralan na naglalako ng pagkain sa isang gasolinahan.

Kuha ito ng netizen na si Karlo Ternora na isa sa napagbentahan ng guro.

Kwento ni Karlo, nasa gasolinahan siya nang lapitan ng guro na hawak ang kanyang paninda at karatulang nagsasabi ng kanyang kalagayan.

Labis pa raw naantig si Karlo nang tawagin siya nitong "Anak" at naalala nga ang dati niyang mga naging guro dahil dito.

Naglalalako ng mga biskwit at tsokolate ang dating guro na nawalan umano ng trabaho dahil sa pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabigyan ng netizen ang guro ng kaunting halaga ngunit nais pa sana niya itong matulungan ng iba kaya humingi siya ng pahintulot na makunan ito ng larawan.

Isa ang grupo ng mga guro sa pribadong paaralan ang labis na naapektuhan ng krisis na dala ng COVID-19.

Ang ilan kasi sa mga pribadong paaralan ay nagsara na habang ang ilan naman ay nagbawas na ng empleyado.

Mapapansin ding may edad na ang gurong lumapit at naglako ng paninda kay Karlo kaya hindi na ito basta makapag-apply pa sa iba.

Hinangaan din ang gurong ito dahil sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID, naisipan pa rin nitong dumiskarte at magtinda para mayroon pa ring kitain.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang ang mga guro ay abalang naghahanda para sa pagbubukas ng klase sa Oktubre, may ilan namang wala nang babalikan pang paaralan o propesyon ngayong panuruang taon.

Nakalulungkot lamang isipin na dahil sa pandemya, marami man sa kanila ang nais pang humubog ng kaisipan ng mga kabataan, hindi na basta-basta makababalik sa sinumpaang propesyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel