China Roces, nagbahagi ng matinding hugot matapos mag-trending ang video nila ni Tim Sawyer

China Roces, nagbahagi ng matinding hugot matapos mag-trending ang video nila ni Tim Sawyer

- Naging usap-usapan ang kontrobersiyal na pagtatalo ng vloggers na sina Tim Sawyer at China Roces na nasaksihan ng maraming netizens

- Ito ay matapos ipakita ni China ang kanilang sagutan sa pamamagitan ng Facebook live video sa mismong account ni Tim

- Burado na ang nasabing video ngunit marami sa mga netizens ang nakakuha ng kopya nito

- Isang makahulugang mensahe naman ang binahagi ni China sa kanyang Facebook account kasunod nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat sa live video ng vloggers na sina Tim Sawyer at asawa nitong si China Roces nitong Sabado ng gabi.

Matapos mag-trending, burado na sa Facebook ang nasabing video ngunit marami sa mga netizens ang nakakuha ng kopya nito at muling kumalat iyon sa social media.

Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni China sa kanyang social media account kasunod ng kontrobersiyang kanilang kinasangkutan.

"Akala ko aabutin namin ang pangarap ng magkasama pra sa anak namin! Nun pala lahat lang pala ng ginagawa namin ay para sa sarili niya!! Nakakalungkot lang kasi nasilaw ka sa pera! ginamit mo lang kami ng anak mo! Mas gugustuhin mo pa ibang babae makatrabaho at makasama.. wag mo lang mabigay yung karapatan ko!" aniya sa caption ng picture nilang tatlo kasama ang kanilang anak.

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa. Marami din sa mga tagahanga nila ang nalungkot sa nangyari sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang humingi ng paumanhin si Tim matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel