Viral delivery boy na naka-roller blades, namahagi ng biyaya sa mga frontliners

Viral delivery boy na naka-roller blades, namahagi ng biyaya sa mga frontliners

- Nag-viral kamakailan ang isang delivery boy dahil sa naka-roller blades ito sa paghahatid ng kanyang mga produkto

- Dahil agaw-pansin ang kanyang diskarte sa buhay, nabigyan siya ng bisikleta na mula kay Gretchen Ho

- Matapos na makatanggap ng biyaya, ang delivery boy naman ang namahagi ng kanyang mga produkto sa mga froliners

- Maging ang mga Grab delivery riders ay nabigyan din niya ng kanyang mga paninda

- Isang taong may mabuting kalooban daw ang bumili sa kanya ng kanyang panindang coffee at chuckie jelly na siyang ipinamigay din niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral delivery boy na naka-roller blades, namahagi ng biyaya sa mga frontliners

Photo (from Kean Arcilla-Ramos Facebook)
Source: Facebook

Kamakailan ay hinangaan ang binatilyong si Kean Arcilla-Ramos dahil sa kakaibang diskarte nito sa pagde-deliver ng kanyang panindang coffee at chuckie jelly.

Nalaman ng KAMI na hindi talaga siya bahagi ng delivery app na Grab. Ang kanyang ama ang empleyado nito ngunit dahil sa kasalukuyan itong may karamdaman, hindi ito makapagtrabaho.

Hinihiram lamang ni Kean ang food bag at damit ng ama upang maayos ang lagayan ng kanyang mga paninda.

Roller blades ang gamit ni kean dahil wala pa siyang lisensya para magmaneho ng motor, at wala rin siyang bisikleta.

Dahil dito, nakarating ito sa athlete/TV host na si Gretchen Ho na nasa likod ng programang #DonateABikeSaveAJob.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kean ang kauna-unahang nabiyayaan ng bisikleta na magagamit niya sa pagha-hanapbuhay habang hindi pa raw nagsisimula ang kanilang klase.

Matapos na mabiyayaan, si Kean naman ang namahagi ng biyaya sa mga medical frontliners.

Sa kanyang post noong Agosto 22, isang Marcus Gaitus ang bumili umano ng panindang coffee at chuckie jelly.

Sinabi rin daw nito ang mga binili ay ipamigay sa mga frontliners gayundin sa mga delivery riders.

Masaya itong ginawa ni Kean at muli na naman itong nakarating sa kaalaman ni Gretchen.

Dahil dito, pinuri na naman niya ang binatilyo dahil sa marunong itong magbahagi ng kanyang biyaya sa ibang tao.

Naibahagi rin ng Rappler ang nagawang good vibes ni Kean.

Nag-viral si Kean kamakailan di lamang dahil sa kakaiba ang ginagamit niya sa kanyang delivery ngunit dahil din sa kwentong nasa likod ng pagsusumikap na ito.

Grade 12 student na siya ngayong pagbubukas ng klase at naisip niyang paaran ang paglalako ng coffee at chuckie jelly upang matustusan ang mga gastusin ng kanilang pamilya.

Maging ang paaralan ni Kean ay proud sa mga mabubuting ginagawa ng binatilyo.

Sana ay tularan siya ng mga kapwa niya kabataan lalo na pagdating sa diskarte sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel