Ex-PBB housemate Sheena Catacutan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng ina

Ex-PBB housemate Sheena Catacutan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng ina

- Naging madamdamin ang mensahe ng ex-PBB housemate na si Sheena Catacutan kasunod ang pagpanaw ng ina

- Ayon sa dalaga, matagal ding nasa mild comatose state ang kanyang ina na umabot sa halos isang taon

- Maging ang Entertainment Production Director at PBB Head Director na si Lauren Dyogi ay nagpaabot ng pakikiramay kay Sheena

- Si Sheena ay nakilala bilang Dance-Irella of Isabela ng PBB Teen edition ng PBB Otso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang madamdaming mensahe ang binahagi ni Sheena Catacutan sa social media dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.

Hindi pa umano niya lubusang matanggap ang nangyari dahil hindi pa siya handa. Aniya sa kanyang ina sya kumukuha ng lakas.

Ang hiling lamang niya ay nawa ay masaya ang kanyang ina nasaan man ito naroroon.

Sa gitna ng hirap na kanyang pinagdadaanan, pinangako niya sa inang lalaban siya at sisikaping maging successful para sa mga taong sumusuporta sa kanya.

"Mommy kahit mahirap, pinapangako kong lalaban ako. Ipapakita ko na kaya ko at balang araw magiging successful ako. Hindi ako susuko, dahil andyan pa si amma, ampa, kuya at lahat ng taong sumusuporta sakin. Mommy watch me.. watch me as i slowly achieve my dreams, watch me give the life that i promised to kila amma, watch me get pass through this pain and watch me as I become a better person," ani Sheena sa isang Instagram post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang Entertainment Production Director at PBB Head Director na si Lauren Dyogi ay nagpaabot ng pakikiramay kay Sheena.

"Our deepest sympathy and condolences to Sheena and her family. We pray for your mom's eternal repose. You have been very strong Sheena. We grieve with you anak and always remember that we are here for you!"

Si Sheena Catacutan ay nakilala bilang Dance-Irella of Isabela ng PBB Teen edition ng PBB Otso.

Ex-PBB housemate Sheena Catacutan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng ina

Photo from flickr.com/photos/dince003/24497643765
Source: UGC

Ang "Pinoy Big Brother" ay isang reality show kung saan kinakailangan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na 'Pinoy Big Brother House'. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Kabilang ang ilang mga PBB housemates sa mga dumalo sa nagdaang ABS-CBN ball 2019.

Buong tapang din na inamin ng PBB ex-housemate na si Alfred Beruzil ang tungkol sa kanyang pagiging ama sa edad na 19.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel