Doktorang 2 beses tinamaan ng COVID-19, sumakabilang buhay na

Doktorang 2 beses tinamaan ng COVID-19, sumakabilang buhay na

- Binawian na ng buhay ang isang doktorang dalawang beses na nagpositibo sa COVID-19

- Matapos ang dalawang araw mula nang ma-discharge sa ospital, lumabas na naman ang ilang sintomas ng virus kaya ibinalik siya sa pagamutan

- Ang masaklap pa rito, naging mas malala ang kanyang kalagayan sa ikalawang beses na tamaan siya ng COVID-19

- Matapos ang halos isang buwan na pakikipaglaban sa virus, binawian na rin siya ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Doktorang 2 beses tinamaan ng COVID-19, sumakabilang buhay na

Dr. Karen Abat-Senen kasama ang kanyang mister (Photo from Kathlynne Anne Abat-Senen Facebook)
Source: Facebook

Sumakilang buhay na si Doctor Kathlynne Anne Abat-Senen o mas kilala bilang "Doktora Karen" na dalawang beses na tinamaan ng COVID-19.

Kinumpirma ito ng isa ring batikang doktor ng bansa na si Dr. Tony Leachon sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Nalaman ng KAMI na gumaling ang doktora sa unang beses na tamaan siya ng virus.

Noong Hulyo 3, bago siya ma-discharge, nakapag-video pa ang doktora habang siya ay kumakanta sa labis na kasiyahan at napaglabanan niya ang virus.

Subalit, ilang araw lamang ang lumipas nang ibalik muli siya sa ospital dahil kinakitaan na naman siya ng ilang sintomas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabanggit ng kanyang kapatid na si Job Abat sa panayam sa kanya ng 24 Oras na inakala nilang pneumonia lamang ito ngunit sa kasamaang palad, COVID-19 muli ang tumama sa doktora.

Sa panayan noon ng Dobol B kay Dr. Jonas del Rosario, spokesperson ng Philippine General Hospital kung saan na-admit si Dra. Karen, pinaniniwalaang karugtong lamang ng impeksyon ng COVID-19 ang nangyaring panunumbalik ng sintomas kay Dra. Karen.

Ang masaklap pa rito, mas malala ang naging tama ng virus sa doktora sa ikalawang pagkakataon.

Dahil dito, kinailangan siyang i-intubate at malagak sa intensive care unit lalo na at nahirapan na raw itong huminga.

Dumagdag pa rito ang pagkakaroon niya ng hika na dati na niyang iniinda.

Matapos ang halos isang buwan pakikipaglaban sa COVID, tuluyan na siyang binawian ng buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Dra. Karen Abat-Senen ay isa lamang sa ilang mga medical frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay sa COVID-19.

Ang kanyang mister na isa ring doktor ay nagawa pang iwan pansumandali ang kanyang propesyon upang maalagaan ang kanyang misis na naging kritikal ang lagay bago ito bawian ng buhay.

Naulila ni Dra. Senen ang kanyang dalawang mga anak.

Nakikiramay ang KAMI sa pagpanaw ng isa na namang magiting at batikang doktor ng bansa na hanggang sa huli ay kinakitaan ng katapangan sa laban kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel